Chapter 1

84 10 0
                                    

"Sera, 'nak magiging maayos din ang lahat, tiwala lang."



'Nay Julie.....




Sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan nila ako dadalhin. At hindi ko rin alam kung nasaan na kame ngayon.



Pagkatapos ang nangyaring sigawan kanina, wala ng sinong gustong magsalita.



"We're here." seryosong sabi ng lalaking naka-gintong maskara.



Habang nasa malayo palang kami. Maaaninag na ang dalawang malalaking statwa ng kabayo. Hindi lang 'yon, pati ang gate nila, malaki din.



Nang makapasok na kami sa loob, hindi ko mapigilang tignan sa may bintana ng kotse ang mga nasa paligid.


Wow as in wow na wow. Ang lawak ng espasyo at may malaking water fountain sa gitna! Hindi lang 'yon, may labing-dalawang statwa ng mga bayani ang nakatayo at pumapaligid sa water fountain.




Habang papaikot ang kotse, hindi ko maiwasang tignan ang babaeng statwa na may suot  na puting damit. She looks so majestic and fearless, like a queen. Hindi lang 'yon, may hawak din siyang kutsilyo, but it's more like a dagger. A dagger with a diamond in it.




"That's Queen Regina."



Nabigla ako dahil may nagsalita sa likuran. Humarap ako sakanya, but I didn't know it was a bad idea. Ang lapit namin sa isa't-isa.



Parehas kami nabigla, kaya lumayo kame ng konti.



"A-ah, ganun ba." Utal kong sabi sakanya habang tumingin nalang sa harapan.



Ok that was really awkward, I guess.



Grabe hindi ko inakalang ganito kalaki at kalawak ang Avalon University. Ang totoo nga nyan, hindi ko gustong mag-aral dito. Kasi I don't like how they treat other students.



Kapag isa kang Low-Ranker/Tier, iba ang tingin sayo ng mga tao. Lalong lalo na ang mga High-Rankers/Tier at Middle-Rankers/Tier. Aabusuhin ka at aatakihin ka nila ng walang dahilan. Ipapamukha nila sayo na isa kang walang kwentang nilalang. Oo, may ability ka pero hindi ibig sabihin 'non malakas ka na, dapat malakas ka physically and mentally, para kung sa ganun tataas din ang ability rank mo.



Ang Ability Rank ay ang basehan ng mga tao. Dito nila malalaman kung isa kang High Ranker/Tier, Middle Ranker/Tier at Low Ranker/Tier. 


In order for the students of Avalon to be protected, they created thess two groups which are called the Goldens and the Silvers. And these two groups are consists of 5 members and each of them has a title. The King, the Queen, the Jack, the Knight and the Healer.




Ang King ay ang pinakamalakas na lalaking estudyante sa buong unibersidad. Ang Queen naman ay ang pinakamalakas na babae sa buong uniersidad.



Ang Jack ay ang right hand ng King. Siya ang pangalawang pinakamalakas na lalaki sa grupo. Parehas lang din sa Knight, ito rin ay ang right hand ng Queen at siya ang pangalawang pinakamalakas na babae sa grupo.



At ang Healer naman ay ang gumagamot sa mga myembro kapag nasusugatan. Napakaimportante rin nila sa grupo.




Maganda ang kanilang sistema ng pagtuturo dito at bukod doon malaya mong ginagamit ang iyong mahika ngunit sa tamang paraan.




Avalon UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon