Zain's POV
"Mahal na Reyna, pinapatawag niyo raw ho ako?" Tanong ko sa Mahal na Reyna.
Hala gagi may ginawa ba nanaman akong masama? Hala baka nalaman niya na hindi ako pumasok sa klase noong isang araw last year o baka nalaman niya na ako yung nakabali ng relo ni papa, hala baka-
"Zain iho, hindi yun ang mga dahilan kung bakit kita pinapatawag rito." Sabi niya sabay ng mahinang tawa. "Pinatawag kita rito dahil may ipapabor sana ako saiyo."
"Hmmm huhulaan ko po yan Mahal na Reyna, siguro may gusto kayong ipabilin saakin sa normal na mundo nuh?" Kung yun lang pala, sus oks lang saakin yun.
Simula nung bata pa ako kilala ko na ang Mahal na Reyna dahil ang mga apo niya ay ang mga matalik na kaibigan namin at syempre naging kalaro namin sila. Nakakalungkot lang dahil biglang nawala ang isa sa mga apo niya, kaya nawalan na rin kami ng kalaro. Sinubukan nilang hanapin ang kalaro namin ni Zeke, ngunit hindi nila nahanap. Hanggang ngayon wala pa ring balita tungkol sakaniya.
Nakakalungkot nga rin, kasi yung nawalang apo ng Mahal na Reyna ay ang pinakamalapit saakin. We have this strong bond together. We even made a promise. But sadly, that promise broke.
Nung nasa tamang edad na ako, lumayas ako rito sa siyudad at dumiretso sa normal na mundo. Tatlong araw kong hinanap yung mahiwagang pinto papunta sa normal na mundo. Nung pagkapasok ko, nagulat ako dahil nasa isang palengke ako at ang daming tao kaya bumalik nalang ako sa siyudad ng Avalon pero nung pagkahawak ko sa pintuan may nakita akong isang babae na umiiyak sa tapat ng tinitinda niya. Hindi ko na siya tinanong at umalis na ako agad-agad para walang makakita saakin.
Syempre pinagalitan din ako ng Mahal na Reyna saka ni Papa, pati na rin ang mga Higher-Ups. Ewan ko din ba sa sarili ko kung bakit ako dumiretso dun. Pero nung bakasyon na namin ay pinayagan din ako ng Mahal na Reyna na pumunta ulit dun, pero kasama ang ibang Higher-Ups. Madami akong natutunan sa normal na mundo, natutunan ko na ang pang-laban nila ay kung ano ang meron sakanila, kaya mahirap ang maging normal na tao. Wala kang maipaglaban kapag ikaw ay mahirap. Dito kasi sa mundo namin, kapag may umaapi o lumalaban sa'yo, pwede mong ireklamo sa Hierarchy ng Avalon kahit na mahirap ka.
Madalas na ako pumupunta sa Normal na Mundo, pinapabilin kasi ako ng mga Higher- Ups o mga Middle-Ups o minsan ang Mahal na Reyna. Hindi ako maid nila, nasanay lang talaga ako pumunta sa normal na mundo kaya saakin sila umuutos o nagpapabilin.
"Iho, hinde.... May pabor sana ako sa'yo at hindi ito tungkol sa normal na mundo. Tungkol 'to kay Sera."
Kay Sera? Ano naman kaya ang ipapabor saakin ng Mahal na Reyna tungkol kay Sera?
"Ano po ang maililingkod ko sainyo Mahal na Reyna?" Seryoso kong tanong.
"Nais ko sana na kunin siya bilang Reyna ng Silvers since wala pa kayong Queen." Sabi niya habang iniinom ang tsaa niya.
To be our Queen in Silvers? Hindi naman sa ayaw ko pero bago palang siya rito at wala pa siyang mga karanasan at kaalaman.
"Kaya ang pabor ko saiyo iho ay turuan siya at sanayin ang kanyang sarili para sa away ng kinabukasan." Seryoso niyang sabi at tumayo sa kanyang upuan. "We need her. Because after all, she's the strongest among you all." She said while looking far away at the window.
BINABASA MO ANG
Avalon University
FantasyAvalon University is a place where they train their students to become a hero. A hero who will do everything and anything to save the university and the city of Avalon. Sera is a girl who never wished to study in Avalon University because of its sy...