Chapter 6

42 4 0
                                    




"Mo..... Ang ganda mo."





Lumingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Tama ba ang naririnig ko?





"MO! A-AT NI ELAINE! WOW ELAINE NANDYAN KA NA PALA!" Natataranta niyang sabi, kaya napalingon ako sa direksyon kung nasaan si Elaine.




She look towards my direction and hurriedly run towards me and hugged me. Napaatras ako dahil sa malakas na impact ng pagyakap niya saakin.





"Ate Sera, I'm sorry... I'm... super super sorry po..." Paghahagulgol niya saakin. I patted her back and said that it's okay.




"Eh... hindi po, nasaktan ko po kayo." Sabi ko ayos lang pero umiiyak pa rin siya dahil sa ginawa niya. Lumapit saamin si Zain at kinausap ang kanyang kapatid.





"Elaine, everything is alright na daw. Narinig mo naman na okay lang siya diba? So tahan na, 'wag ka nang umiyak." Sabi ni Zain.





Elaine stopped crying when I said that I will cry too. Sus, yun lang naman pala ang kailangan para tumahan na siya sa kakaiyak. Pagkatapos nang pangingiyak ni Elaine, pumasok na kami sa loob. Medyo pagabi na rin kasi, akalain mo yun? Alas-dos ng hapon na ako naka-gising tapos nag-emote pa. So siguro nasa alas-singko na ngayon.





Bumalik ako sa kwarto ko at umupo sa aking kama. Hihiga na sana ako kaso bigla kong naalala na may mga kukunin pa pala ako sa mga departments para sa mga gagamitin ko dito sa Unibersidad. Binigay na ni Zeke ang mga listahan, pero ang problema lang ay 'di ko alam kung saan ko ito mahahanap. Nauna na si Elaine kanina kasi may training pa siya at si Zain naman sinamahan si Elaine.





I sighed and left my room. Bahala na, ako nalang maghahanap. Sinimulan ko na ang paglibot, habang naglalakad tinitignan ko ang mga nakalistang departamento at ang mga gamit na kailangan ko. Una, pupunta muna ako sa Dorm Department para sa mga things na kailangan ko sa dorm, ta's sunod sa Uniform Department, syempre para makakuha na ako ng uniforms ko, ta's sa Whole Subject Department, dito naman is yung mga librong kakailanganin ko sa lahat ng subjects namin, and last sa Supplier Department, dito makakakuha ng mga kailangan ko sa school.





Grabe ang dami ko pala dapat puntahan at kunin. Kailangan kong hanapin 'to agad-agad para 'di ako gabihin. Habang naglalakad sa direksyong 'di pamilyar saakin, may tumapik sa aking balikat kaya napalingon ako.






"Zain? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Zain.





"Nakita ko kasi na..... nag-lalakad kang mag-isa at hindi alam kung saan pupunta, kaya gusto kitang samahan." Sagot niya habang kinakati ang kanyang buhok.





Bakit ba niya kinakati buhok niya kapag kinakausap ako, makati ba talaga? May kuto ba siya?





Inabot ko ang aking kamay sa kanyang ulo kahit ang tangkad niya saakin. Kinati ko ang buhok niya nang mahina na para bang aso ko siya at ngumiti. Namiss ko nalang tuloy ang aso kong si Zeko.





Natigilan siya sa kinatatayuan niya at laking gulat akong tinignan. Tinanggal ko na yung kamay ko at nagsalita na para manguna siya sa paglalakad.





Pulang-pula ang kanyang mukha, kaya di ko siya maintindihan. Sabay kaming naglakad, tumigil kami una sa Dorm Department. Dito namin kukunin ang mga kailangan ko para sa dorm ko tulad ng susi, furnitures or mga design na gusto kong i-design para sa dorm ko. Tinulungan ako ni Zain para magpili ng mga designs at sobrang thankful ako na may tumutulong saakin.





Avalon UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon