Dali dali pumasok ng Port Med hospital si Julie at si Elmo.
Nasa ER ang papa ni Elmo at nakita ni Julie na mahimbing itong natutulog sa hospital bed.
"Ma'am, Sir family po?" Tanong ng nurse sa kanila.
"Anak po ako ni Christopher Magalona."
Dinala naman sila ng nurse papunta sa kama kung saan nandoon si Christopher.
Nakaupo sa tabi nito si Gina.
"Oh Elmo you're here." Ani ng ginang at tumango na din kay Julie. "Julie you too."
"Tita what happened?" Tanong ni Elmo habang tinitingnan ang ama na natutulog.
Bago pa makasagot si Gina ay unti unti bumukas ang mga mata ni Christopher.
"Papa..." Elmo said as he stood beside his father.
Mahinang ngumiti si Christopher. "Hi anak. I'm sorry I worried you."
Gina started speaking again as she held on to Christopher's hand. "He had a dizzy spell while brushing his teeth. Hindi nanaman kasi nakapagdinner."
"Wag mo na ako ibuking." Mahinang tawa ni Christopher.
Napatingin si Gina sa malayo at nakita na naglalakad na palapit si Alden sa kanila.
"Gising na si Dad?" Alden asked. Muhkang galing ito sa pagaasikaso ng health card ni Christopher dahil hawak hawak pa nito ang mga papeles.
"I'm okay na iho." Ani Christopher. Pero kita na medyo nanghihina pa nga ito.
"Elmo, Julie." Bati ni Alden sa dalawa na tumango lang din naman sa kanya.
Lumapit na ang ER doctor sa kanila.
"Sir, kamusta po?"
"Okay naman po doc. Medyo nahilo lang po talaga."
"Sir I know na you are undergoing chemo and on top of that diabetic po kayo. Kailangan po mag relax okay? Are you still working?"
"He still does office work po doc." Ani Elmo sa manggagamot. "But it's only for half day."
"Well sir you need to relax na. Nakakadrain ang chemo. Kung maari ay only a couple of days lang ang pagpasok po ninyo."
Napabuntong hininga si Christopher. "I understand po doc."
"Hon nandyan naman kasi ang mga anak mo para magtrabaho sa kompanya." Ani Gina sa asawa.
Ngumiti ang doktor. "Ayun po. Mas maganda po talaga na sa kanila na muna iasa ang nakakapagod na trabaho. I will be subscribing a few more meds and you need to have a check up sa oncologist niyo okay?"
"Yes doc thank you." Sabi ni Christopher.
"Oh and while we're at it. Mas maganda po na magbakasyon kayo. Fresh air, yung malayo sa syudad."
Saka naman ito naglakad pabalik sa may pinaka triage ng ER.
"Pa you heard the doctor." Ani Elmo sa ama.
Napabuntong hininga si Christopher. "Alam mo naman anak na marami ginagawa sa kompanya."
"Leave it to us then." Ani Elmo.
Ngumiti naman si Christopher bilang sagot.
Uubusin lang daw muna ang IV fluids ni Christopher matapos ay pwede na ito makauwi.
"Ma'am sir yung iba po magstay na lang po sa lobby." Ani nurse sa kanila.
Elmo nodded his head as he looked at Gina. "Magkape na lang po kami ni Julie sa labas. Babalik po kami."
BINABASA MO ANG
Nobody Ever Made Me Feel This Way
FanfictionAll Julie Anne San Jose wanted to do was to be at the top of her game as Marketing Manager at Magalona Industries. All she wanted was to make it up to her father figure, Christopher Magalona who honed her to be the woman that she is today. She had n...