Julie watched as Elmo and Christopher talked inside his study.
Napasilip lang siya dahil dumaan siya at muntik na siya mapasigaw nang pagharap ay halos bumunggo na siya sa dibdib ni Alden.
"Oh."
"Oh hey sorry sorry." Nakangiti na sabi ni Alden habang linalapat ang kamay sa magkabila niyang braso.
"What are you doing here?" She asked him.
Mahinang natawa si Alden. "Uh, dito ako nakatira."
"I meant here behind my back." Sagot naman ni Julie habang nakangisi sa lalaki.
Alden let out an innocent shrug. "I was just going to check on Dad and Elmo." Saka nito muling binaling ang tingin sa kanya. "Ikaw? Sinisilip mo din sila ah."
"Napatingin lang." Julie said defensively. Kahit na ang totoo ay sinisilip naman niya talaga ang mag-ama.
Napapitlag silang dalawa nang bumukas ang pintuan at lumabas si Christopher at Elmo.
"O." Nakangiti na sabi ni Christopher nang makita si Julie at Alden. "Dito pa talaga kayong dalawa nagliligawan."
"What? Hindi po sir." Julie quickly denied. Nakita niyang nakatingin si Elmo sa kanila na kunot na kunot ang noo.
She cleared her throat just as the maids approached them.
"Mam, sirs. Handa na po ang pagkain."
Natigilan si Julie. Ihahatid lang niya dapat si Julie tapos kasama pala siya pati sa pagkain.
"Oh sir I have to get g—"
"Jirits." Ani Elmo at hinawakan ang braso ni Julie. He looked like he was pleading with her.
Sabay naman na napatingin si Christopher at si Alden.
"Bro medyo mahigpit ata hawak mo." Ani ng huli.
Bahagyang napasimangot si Elmo sa kanyang step-brother.
"No. It's okay." Ani naman ni Julie.
Ang maid ay nakatayo lang doon na hindi alam ang gagawin.
Kaya naman si Christopher na ang bumasag sa katahimikan. He faced Julie with a small smile on his face. "Julie iha you must join us. Please."
Saka naman muling napatingin si Julie kay Elmo. She then nodded her head at Christopher. "Okay po sir." She smiled.
Sabay sabay silang naglakad papunta sa hapag.
"Rose patawag na si Mama please." Alden told their maid.
Tila kinikilig na tumango naman si Rose bago naglakad papunta sa taas.
Pumwesto na sila sa mga upuan sa harap ng dining table. Sa may kabisera si Christopher, si Alden sa kaliwa ng nakatatandang lalaki.
Uupo na sana si Elmo sa kama nang nagsalita si Alden.
"Bro sorry, dyan kasi si Mama umuupo." He gave Elmo a small smile.
"Jirits dito ka sa tabi ko." Ani Julie kay Elmo. She gave him a small smile and held his sleeve.
Tumango tango naman si Elmo at ngumiti pabalik kay Julie Anne. Kaya sa may kabilang bahagi silang dalawa na nakaupong magkatabi.
There was a curious but amused look on Christopher's face when they heard footsteps coming from the other side of the room. At saka naman pumasok ang isang babae.
Natigilan ito nang makita si Elmo.
Tumayo naman ang huli bilang pag-galang.
"Gina, this is my son...Elmo." Nakangiti na sabi ni Christopher na ngayon ay nakatayo na din.

BINABASA MO ANG
Nobody Ever Made Me Feel This Way
FanfictionAll Julie Anne San Jose wanted to do was to be at the top of her game as Marketing Manager at Magalona Industries. All she wanted was to make it up to her father figure, Christopher Magalona who honed her to be the woman that she is today. She had n...