Chapter 35

881 62 3
                                    

Bumalik si Julie sa loob ng kwarto nilang mga babae.

Nakita niya na tulog pa ang iba.

Sarap ng siyesta ah.

Si Tippy ang kaisa isang gisng at nagkakape ito sa may window sill ng kwarto.

"Hi Jules." Ani Tippy.

Ngumiti naman si Julie sa babae at umupo sa kabilang upuan.

May maliit na lamesa sa gitna nilang dalawa.

"May kape pa?" Julie asked.

"Three in one girl nandyan sa may desk." Ani Tippy.

May hot water din doon galing sa heater nang pampaligo kaya ayun na ang ginamit ni Julie.

She sipped from her coffee and gave a soft sigh.

"Ahh."

Natawa si Tippy. "Coffee is life nga naman."

"That is the truth." Ani Julie sabay inom mula sa hawak na tasa.

She held the cup close to her face while she looked at the view outside.

Click!

Napatingin siya at nakita na kinunan pala siya ng litrato ni Tippy.

"Hoy paparazzi ka." Natatawa niyang sabi.

Tippy giggled back. "E kasi ang ganda nung pag emote mo. Sama ng tingin mo doon sa puno na yon sa dulo."

Julie gulped nervously. Sana hindi nahalata.

Paano ba naman e doon sila ni Elmo naglalandian.

"Saan ka pala galing?" Tanong ni Tippy habang umiinom din sa hawak na tasa.

Julie gulped yet again.

"Hmm? Naglakad lakad lang dyan. Kahit mainit kasi mahangin." Kung sasabihin man nila ni Elmo na sila na ay mabuti na ang sabay nila sabihin.

Natigil ang usapan nilang dalawa nang makita si Maqui na bumabangon mula sa kama.

Lumabas ito saglit.

Sigurado si Julie na magbabanyo ito.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakabalik na ito.

"May kape pa?" Bungad ng babae.

Nakangiting tinuro ni Julie at Tippy ang mga 3-1 na nasa ibabaw ng cabinet doon.

Napapapikit pikit pa si Maqui habang nagtitimpla.

Mahinang natawa si Julie at si Tippy. "Para kang baby bes."

"Tigilan mo ako bes." Ani Maqui sa kaibigan. "Palibhasa ikaw gumagawa na ng baby."

Nanlaki mata ni Julie pati na din si Tippy.

Tila lasing pala ito si Maqui kapag bagong gising!

"What are you talking about?" Aniya kay Maqui.

Muhkang nagulat din si Maqui sa sinasabi dahil nanlaki ang mata nito at tumigil sa paghahalo ng hawak na kape.

"Ha? Kako diba si Kyline ginagawa mong baby mo ano ba narinig niyo?"

Si Tippy ang unang nagsalita. "Para ka pala lasing e no."

Bahagyang kumalma na si Julie. Ibubuking pa kasi siya nito ni Maqui.

Kahit kalahating tulog napakadaldal.

"Luluto ako meryenda nagugutom ako." Ani Julie habang tumatayo mula sa lamesa.

Nobody Ever Made Me Feel This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon