Chapter 13

1K 73 101
                                    

Nagising si Julie nang maaga kinabukasan.

Umikot siya sa kama at nakitang nakayakap pa din nang mahigpit sa kanya si Elmo.

No they didn't do anything. They just made out. Pero pakiramdam ni Julie sugat sugat na labi niya.

Grabe naman kasi manggigil si Elmo.

Shit. Malelate na sila sa trabaho. Pero naisip niyang flexitime nga pala sila.

"Jirits." Inaantok niyang sabi habang tinatapik ang braso ni Elmo.

"Mmmm." Ungol ng lalaki.

Julie chuckled as she patted her hair down. Tumayo siya mula sa kama at inayos ang kumot sa katawan ni Elmo.

Sige magluluto muna siya ng breakfast saka gagawa ng kape saka niya gigisngin ulit ang lalaki.

Pagbaba sa kusina ng suite ng lalaki ay nagulat siya at halos walang laman ang ref nito. Puro room service ba ginagawa ng lalaki?

She chuckled.

At least may stock ito ng kape.

Humihikab pa rin siyang naghahalo ng kape nang makaramdam siya ng yumayakap sa kanya mula sa likuran.

"Elmoooo." Reklamo niya nang maramdaman na pinapapak ni Elmo ang gilid ng leeg niya habang nakayakap ito sa likod niya. "Hindi ako ang breakfast!"

"Bakit? Mas masarap ka eh." Nakangisi na sabi ni Elmo saka tinuloy ang paglaplap sa leeg niya. Sa sobrang gigil nito ay kinagat kagat na nito ang leeg niya hanggang sa naramdaman ni Julie na medyo mahapdi na.

Hinampas niya ang braso ni Elmo na tumawa lang naman.

"Aray! Jirits talaga 'to!" Saka siya napatingin sa leeg niya sa salamin sa may dining room. Her eyes widened in horror. "Jirits! You left me a hickey!"

Tumawa ulit si Elmo habang naglalakad na papunta sa telepono sa living room. "Okay lang yan!" He yelled as he started calling the kitchen for some room service.

Tiningnan pa ni Julie ang namumula niyang leeg. Okay kaya naman niya ito. Idadaan na lang niya sa make-up. Tama. Sa make up na lamang niya idadaan.

Dumaan si Elmo sa likod niya at kinagat naman ang nakaexpose niyang balikat sa suot na sando.

"Kanina ka pa bampira ka ba!?" Reklamo ni Julie Anne.

Tumawa ulit si Elmo at dumeretso sa kung nasaan ang ginawang kape ni Julie. "Mm sarap talaga ng kape." He whispered before facing her as he leaned on the counter.

Saka naman natuon ang pansin ni Julie sa suot nitong boxers. Wala itong pantaas dahil ganun naman daw talaga ito matulog.

Teka ipahid lang niya laway niya.

Inaantok pa na pinadaan ni Elmo ang kamay sa malagong buhok.

Ang gwapo talaga nakakainis.

Umupo naman si Julie sa may counter at saka uminom na din ng kape. Hindi niya alam kung ano ba ang meron sa kanila ni Elmo sa ngayon. Basta okay siya sa nangyayari sa kanilang dalawa. Ayaw muna niya gawing komplikado ang lahat.

"Sabay na tayo sa party bukas ah." Ani Elmo habang umiinom mula sa kape nito.

At dahil mapangasar si Julie ay tiningnan niya ang lalaki at ngumisi. "I changed my mind. Si Alden na lang pala ulit ang ka-date ko."

Kumunot ang noo ni Elmo at humaba nanaman ang nguso nito. Mahinang natawa si Julie. Dati kasi kapag gumaganon ang lalaki ay natatakot lang siya. Muhka nga kasing bandido.

Nobody Ever Made Me Feel This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon