"Pwede na ba pumasok Gab?"
Napaangat ng tingin ang babae nang magsalita si Julie Anne. Tila nagulat pa ito nang makita siya pero tumayo din naman saka hinawakan siya sa braso.
"Go na pasok na. Medyo mainit ulo eh pero sige lang go love na love ka naman niyan."
Mahinang natawa si Julie. "Ikaw tinanong ko lang kung pwede na pumasok ang dami mo pa sinabi."
Natawa na si Gabbi. "Sige na pasok na."
Tumango naman si Julie bago dahan dahan na binuksan ang pintuan ng opisina.
"Hindi ba matagal ko na pinaasikaso sayo yan?! Sa Lunes kailangan makita ko nang pirmado ang kontrata okay?!"
Ayun ang bumungad kay Julie pagkapasok sa loob. Her boss was yelling at someone on the phone before he ended the call and sat back down on his swivel chair.
"Ah Julie iha. Come in."
Ngumiti si Julie sa boss niya, ang CEO ng Magalona Industries na si Christopher Magalaona.
Christopher was already in his early 60s but he could still pass up as 50.
"Sir pinatawag niyo daw po ako?"
She asked as she stood in front of his desk.
Ngumiti naman si Christipher at iminuwestra ang upuan.
"Iha upo ka."
And Julie did.
Ang kaninang ngiti ni Christopher ay nawala nang makaupo na nang maayos si Julie Anne.
Tiningnan lang siya ng nakatatandang lalaki. He had a wan smile on his face different from the one he had a few seconds ago.
Medyo nakakaramdam na ng kaba si Julie Anne.
"Sir what's wrong?" She asked.
Muli siyang tiningnan ni Christopher. "Anak, I called you in because you're my most trusted employee. Para na din kitang anak eh."
Mas lalong kinakabahan si Julie sa sinasabi ng lalaki. Bakit naman ganun ang intro?
She leaned closer to the man to get a good look at his expression. It was then she saw that he looked so tired.
Hindi niya alam kung dahil ba sa pagt-trabaho o ano.
"I don't know how to say this Julie so I'll say it straight." Simula ni Christopher. "Yesterday I got back from the doctors. I was diagnosed with lung cancer..."
Napasinghap si Julie Anne. Shit. Lung cancer?
"Sir how far al—"
"It's not good Julie." Ani Christopher. "I don't know how long but I'm entrusting you with something..."
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•
"Bes ano talagang pupunta ka?"
Tiningnan ni Julie ang kaibigan na nakaupo sa gilid ng kama niya habang kinakalap niya ang mga damit na inilalagay sa suitcase.
"Ito gusto ni sir eh. Saka alam mo naman na wala na yun inaasahan."
"Sabagay parang Papa mo na rin yan eh." Ani Maqui, ang bestfriend ni Julie Anne.
The latter nodded as she finished packing. Umupo siya sa tabi ng pinakamatalik na kaibigan at patagilid itong niyakap.
"Bakit ganun bes no. Sir seems so healthy."
"Hindi nga muhkang nasa 60 e." Sabi pa ni Maqui. Empleyado din ito sa Magalona Industries.

BINABASA MO ANG
Nobody Ever Made Me Feel This Way
FanficAll Julie Anne San Jose wanted to do was to be at the top of her game as Marketing Manager at Magalona Industries. All she wanted was to make it up to her father figure, Christopher Magalona who honed her to be the woman that she is today. She had n...