AN: HEYPI BDAY LALETTE! WHOO!
"Goodnight guys! Hatid ko na itong isang ito." Ani Tippy kay Julie at Elmo.
Sila kasi ang huling hinatid nito pauwi bukod kay Sam na siyang tulog ngayon sa back seat.
Lasing na lasing ang lalaki at nakailang suka pa nga.
Well halos lahat naman sila.
Si Elmo tulog na tulog din habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Julie.
"Thank Tips! Mag-iingat kayo ah." Ani Julie.
Ready na sana siya bumaba nang narealize niya na ang hirap gisingin ni Elmo.
"Jirits. Huy. Jirits."
"Mmmm..." Ungol ni Elmo. Umayos lang ito ng higa tapos siniksik pa ang muhka sa leeg ni Julie.
Lumingon si Tippy sa kanilang dalawa.
"Jules hindi ko kaya buhatin yan ah. Pakalaking tao niyan."
Julie chuckled. "Kaya ito."
Mahina niyang tinampal ang muhka ni Elmo kaya nagising na ang lalaki.
Although he looked really drowsy, he was still able to stay up.
"Thanks Tippy! Ingat!" Ani Julie kay Tippy na kumaway lang din.
Elmo tried murmuring something that sounded like a bye.
Kaso nakakapit lang ito kay Julie.
He was taller than her but was hunched up against her.
"Jirits you're not magaan." Natatawa na sabi ni Julie.
Infairness nakayanan niyang dalhin ito sa may elevator.
Humihinga ito nang malalim.
Amoy alak si Elmo pero mabango pa din. He had that scent that was purely Elmo Magalona.
May kasabay pa silang dalawa na papasok sa loob ng elevator.
An old couple and two young women about Kyline's age.
Nakangiti sa kanya ang lola na kasabay nila.
"Boyfriend mo iha?"
Tsismosa talaga mga lola.
Ngumiti lang si Julie. Sasagot na sana siya kaso inunahan na siya ng matandang babae.
"Muhkang napadami ang inom niyo. Mahihilo yan sa umaga. Painumin mo ng mainit na sabaw."
"Uhm opo. Lutuan ko na lang po mamaya."
Nauna na lumabas ang mag-asawang matanda.
Sunod na floor naman ay ang dalawang batang babae.
"Ate ang cute po ninyong dalawa." Tila kinikilig na sabi ng mga ito bago parang mga kitikiti na naglakad palabas ng elevator.
Tiningnan ni Julie si Elmo na humihinga ng malalim.
"Nasusuka ka no." She asked.
Elmo quickly shook his head. "Hindi ah."
Muling tumawa si Julie. Ang cute kasi. Deny pa eh.
Dinala na niya ito paakyat sa may penthouse kung saan struggle pa rin para sa kanya ang dalhin ito paakyat sa bedroom.
Ang bigat kaya ni Elmo! E wala pa sa wisyo.
So it was like she was carrying two of weights.
Halos gumapang pasampa sa kama ang lalaki.
"Ah bed I love my bed." Elmo slurred.

BINABASA MO ANG
Nobody Ever Made Me Feel This Way
FanfictionAll Julie Anne San Jose wanted to do was to be at the top of her game as Marketing Manager at Magalona Industries. All she wanted was to make it up to her father figure, Christopher Magalona who honed her to be the woman that she is today. She had n...