Tiningnan ni Julie ang mga kotse sa harap niya.
What is it with boys and cars?
Siya ang dali lang na napili kotse niya eh.
"Bro ang sarap talaga magshop dito promise. Ako kasi walang pera pero ikaw meron." Kasama nila ngayon ni Elmo si Kris.
And they were looking for a car for Elmo.
Christopher gave them his bank account and they headed there the next day.
Tiningnan ni Elmo si Julie Anne. "Jirits I don't really need a car. Pwede ko nga lakarin araw araw yung office."
"Julie nakakainlove si Elmo no ang humble?" Pang-aasar ni Kris habang bumubulong.
Julie rolled her eyes and pushed Kris slightly.
Lumapit siya kay Elmo na tumitingin tingin sa mga kotse.
"Hey." She softly called out.
Tumingin naman sa kanya si Elmo. He had this pout on his face.
Ang cute. Parang gusto niya i-kiss.
"Ang mamahal. Pwede ba motor na lang bilhin?" Hirit pa ni Elmo.
Julie chuckled. She placed her hand by Elmo's jaw and made him look at her. Masyado kasi ito nagcoconcentrate sa pagiisip kung gaano kamahal ang kotse.
"Jirits. Your dad gave you some money. Gusto mo ba magalit sa akin yun dahil hindi tayo nakabili ng kotse mo?"
Nawala ang pagkunot sa noo ni Elmo at napalitan ng ngiti. "Okay."
"Haay sanaol."
Napatingin sila kay Kris na dumeretso naman ng tayo at saka tumingin sa paligid.
"Sana all ano, sana all may kotse hehehe! So Moe, nakapili ka na ba?" Kris said as he smiled sheepishly at the two of them.
Elmo breathed in as they walked to one particular car.
"Oooh nice bro! Ang angas niyan tapos lalapitan ka ng mga chicks!"
Julie cleared her throat. Dibdiban kaya niya ito si Kris?
"Ah eh..." Kinakabahan na sabi ni Kris. "Joke lang! Hahaha!"
"Ito cheeks o." Panloloko naman ni Elmo sabay kurot sa pisngi ni Julie Anne.
"Argh!!! Jirits!" Pinalo ni Julie ang braso nito.
"Aray! Bigat ng kamay mo!" Elmo pouted.
Namumula na ang pisngi ni Julie.
Tumawa lang din si Elmo. "You look like a tomato."
Inikot ni Julie ang mga maga saka naman tiningnan ang kotse sa harap nila.
"A mustang?" She asked as she looked at the car.
"May napili na po kayo ma'am? Sir?" Lumapit sa kanila ang isang sales rep ng car company. Nang makita ang gusto nilang kotse ay lumawak pa ang ngiti nito. "Ayan sir apat na tao din po ang kasya diyan. And mabilis po talaga."
Julie allowed the sales rep to drone on as she circled the car. Maganda nga talaga.
At bagay kay Elmo. It matched his personality. Plus...may kabayo and everyone knew Elmo loved horses.
"Nice! Bro ano test drive natin?" Kris asked.
"Pwedeng pwede po sir!" Sabi ng Sales Rep na nalaman nila ang pangalan ay Dave. "Sa likod po pwede sumakay girlfriend at kaibigan niyo sir." Harap nito kay Elmo.
BINABASA MO ANG
Nobody Ever Made Me Feel This Way
FanficAll Julie Anne San Jose wanted to do was to be at the top of her game as Marketing Manager at Magalona Industries. All she wanted was to make it up to her father figure, Christopher Magalona who honed her to be the woman that she is today. She had n...