Chapter 14

843 73 94
                                    

"Alak pa whooo!"

Sa after party ay agad na dumeretso sila Julie sa Stilts matapos makapagbihis sa mas komportable na damit.

"Huy hawakan niyo si Julie." Kinakabahan na sabi ni Barbie dahil sumasayaw na ngayon si Julie Anne sa gitna ng dance floor.

"Hayaan mo yan kaya nyan sarili niya basta tingnan niyo." Ani Maqui na sumasayaw sayaw na din sa gitna ng dance floor.

"Guys let's dance!" Ani Julie Anne saka naman hinila si Tippy at Maris para sumayaw silang tatlo sa gitna.

Naririnig niyang kinausap ni James si Maqui.

"Maq what did you do to my twin?"

Napabuntong hininga si Maqui. "Ewan? Hindi pa nagk-kwento. Basta si Elmo bigla na lang umalis kanina sa party."

Julie turned away from them.

Ayaw niya muna marinig ang kung ano man ang tungkol kay Elmo sa gabi na iyon.

"Alam mo Jules nahihilo ka na eh tara na." Sabi ni Maris at hinila si Julie paakyat sa VIP booth.

Nakita ni Maris na nandoon din si Alden at mag-isa na umiinom ng alak.

"Sir Alden samahan mo muna si Julie dito okay?"

"Maris naman eh gusto ko pa sumayaw." Ingit ni Julie Anne.

"Ah hindi hindi. Dito ka na muna kumain ka." Maris said. Saka nito muling binaling ang tingin kay Alden. "Sir, kain muna kayo para naman maabsorb yung alak sa sistema ni Julie."

"Sure sure." Nakangiti naman na sabi ni Alden.

Dahil medyo nararamdaman ni Julie na nahihilo na nga siya sa alak ay umupo siya sa tabi ni Alden. She hoped things weren't awkward after she rejected him being her date.

Tapos kung kanino pa siya pumayag na maging date niya yun pa yung nangiwan. Galing diba?

"Miss pa-order naman kami ng tomato soup." Ani Alden sa isang waitress na nandoon.

Tiningnan ni Julie ang lalaki. "Tomato soup talaga?" Saka naman niya tinawag muli ang babae. "Miss pahingi naman ng bananas alam ko may tinatago kayo."

Kahit na parang naguguluhan ay sinunod naman ng babae ang sinasabi ni Julie Anne.

At nang makaalis na ito ay siyang harap naman ulit ni Alden kay Julie. "Okay ka lang ba? Saan nagpunta si Elmo?"

"If I only knew what to sagot to you Alden." Tawa ni Julie saka muling uminom sa alak na nandoon. She leaned against the couch and chuckled to herself. Bakit kung kailan gusto na niya subukan diba?

"Wala ba siya sinabi kung saan siya pupunta?" Ani Alden at uminom na din sa hawak na kopita ng alak.

Julie shook her head. Saka niya hinarap si Alden. "Can we not talk about him muna?"

Sa sinabi niya ay napatango na lang si Alden.

They were both quiet for a few minutes, just drinking. Hanggang sa dumating na din ang pagkain nila.

Agad na linantakan ni Julie ang saging. Nadiscover niya sa sarili na nawawala kasi ang hang-over niya kapag kumakain siya ng saging.

"Kamusta na nga pala ang chemo ni sir Christopher?" Tanong naman ni Julie kay Alden. Muhkang okay naman kasi si Christopher.

Tumango si Alden sa tanong niya nang may maliit na ngiti sa muhka. "I'm actually happy to see him doing good. He seems healthier than ever."

Julie nodded her head. Masaya siya. Sana lang ay maka recover pa si Christopher. Nung una kasi ay ayaw nito lumaban pero ngayon muhkang mas nabubuhayan na ito ng loob para labanan ang sakit.

Nobody Ever Made Me Feel This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon