Chapter 3

718 55 37
                                    

"Thank you Jerome." Ani Julie kay Jerome na hinatid siya gamit ang kabayo nito.

"Mam dalhin ko na po sa loob itong mga pinamili niyo." Sabi ni Jerome atsaka dinala ang mga bag ni Julie sa loob ng bahay.

Pipigilan pa sana ito ni Julie kaso mabilis na itong nakagalaw.

Pagpasok sa loob ay nakita niya na nandun si Sandy at nagbabasa ng libro.

"Magandang hapon po tita."

"Magandang hapon iha." Ani Sandy at napatingin kay Jerome. "Muhkang maganda ang paglilibot mo ah."

Saka naman nagpaalam si Jerome bago pa makasagot si Julie Anne.

"Mam Julie, Mam Sandy una na po ako!" Maligalig nitong sabi at nagsimula na maglakad palabas.

Napailing iling na tumatawa si Sandy. "Napakabait ng batang iyan talaga. Maingay nga lang pero mabait naman."

Mahinang natawa din si Julie Anne. She fixed the bags and placed them on the sofa before sitting down next to Sandy.

Hindi niya alam bakit pero malapit ang loob niya sa nakatatandang babae. Maybe because she remembered her own mom.

"Anak bakit hindi mo kasama si Elmo?" Nagtatakang tanong ni Sandy.

Bahagyang nagulat si Julie Anne. Akala niya kasi bumalik dito sa bahay si Elmo.

"Uhm, sabi po kasi niya puntahan po niya si Jane kaya ano po uhm, he left me with Jerome na lang po." She smiled.

Nakita niyang napakunot ang noo ni Sandy.

"Bakit ka naman niya iniwan?"

Aba kung alam lang din niya ang sagot doon eh.

"Uhm, hinahanap po daw kasi siya ni Jane." Tanging nasabi ni Julie. Malay ba kasi niya! Pakiramdam niya nasa interrogation room siya na hindi malaman.

Napailing na lang si Sandy. "I'm sorry about that iha. Sabi ko samahan ka niya eh."

"Oh it's okay po tita. Sinamahan naman po niya talaga ako." Ani Julie Anne.

Iniwan nga lang siya matapos ang ilang oras pero ayos na din iyon.

"Iakyat ko lang po ang mga 'to tita." Paalam ni Julie Anne at saka tumayo habang dala dala ang mga pinamili na nakaplastic.

Nakatayo na siya sa couch nang narinig nila ni Sandy na bumukas ang pinto.

Tumatawang pumasok si Elmo at ang babae na sa wari ni Julie ay si Jane. Magulo ang ayos ng dalawa at may putik putik pa ang damit ng mga ito.

"Anak bakit ang dumi ng damit mo?"

There was still a hint of a laugh on Elmo's voice as he answered. "Ito kasi si Jane ma kinukulit ako kanina kaya nadapa kami sa putikan."

Julie rolled her eyes and scoffed. Kaso narinig ata siya ng mga tao.

She smiled politely at them to mask it.

Tiningnan siya ni Elmo. "Namili ka?"

"Oo. Iuuwi ko itong mga mangga." Julie replied.

Lumapit si Elmo. "Tulungan na kita--"

"No I'm all good." Ani Julie. Hinila niya ang mga supot palayo kay Elmo. She gave him a small smile before climbing up the stairs.

Ewan ba niya. Naiinis siya sa sarili bakit ba siya nagseselos doon sa Jane.

Nadapa sa putikan? She scoffed as she sat down on her bed. Naglampungan sa putikan kamo.

Saka niya kinausap ang sarili.

Nobody Ever Made Me Feel This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon