Nagbihis na si Julie ng simpleng shorts at sando. Medyo mainit kasi ang panahon kaya naman gusto niya presko lang ang damit niya.
Bumaba siya sa patio ng bahay.
Ang mama niya ay nagpapahinga sa kwarto.
Malamang nanunuod nanaman ito ng Kdrama.
She tied her hair up half and half let down as she perched her glasses on top of her nose.
She was just browsing on her social media when she saw Rose one of their helpers approaching her with a glass of iced tea and some biscuits.
"Thank you Rose." She whispered and smiled at the young woman.
Mas matanda lang ito sa kanya ng ilang taon.
"Saan po sila sir James ma'am?" Rose asked as she looked at Julie, still standing beside her.
"Ah they bought alak lang. Upo ka o." Ani pa Julie at iminuwestra ang upuan na nandoon.
Umupo naman si Rose at nakakalokonh ngumiti kay Julie.
From behind her glasses, Julie chuckled and smirked as she looked back at Rose.
"What?"
"Ma'am boyfriend niyo po yun si sir Elmo?"
Halos maduwal na mata no Julie. Grabe ah.
"H-Ha?" Medyo kinakabahan niyang sabi.
Ngumisi si Rose. "Mam bagay po kasi kayo."
Julie chuckled slowly. "Ah he's just a friend and a co-worker."
"Ay sayang naman mam." Parang nadismaya pa na sabi sa kanya ni Rose. Pero ngumiti din naman. "Pero hindi mo crush mam? Ang gwapo talaga eh."
"Ikaw talaga..."
"E mam bakit ka namumula hanggang leeg o!"
"H-Ha? Hindi naman." Ani Julie pero ramdam niyang mainit na ang muhka niya talaga.
"Yii kinikilig si mam o! Ngayon lang kita nakitang kinikilig!" Ani Rose. Pero siya talaga yung halatang kinikilig.
Pinipigilan ni Juli na umangat ang gilid ng pisngi niya kaso parang may kung anong elemento ang humihila dito.
Hindi niya mapigilan ang ngiti.
"Nako mam jowain mo na. Kapag nagkababy kayo sobrang ganda at gwapo kasi grabe genes niyo eh." Sabi pa ni Rose.
Napailing na lang din si Julie. "Friends nga lang kami."
"Ang showbiz ng sagot mam!" Natatawa pa rin na sabi ni Rose.
Gusto na ni Julie ibahin ang usapan. At mabuti naman ay narinig niyang bumubukas ang gate nila.
Agad naman tumayo si Rose dahil tutulong ito sa mga dala nila James.
Sumunod na din si Julie at nanlaki ang mata nang makita na ilang case ng alak ang dala nang mga ito.
"Hoy. Ano akala niyo mamaya party?" She asked as she looked at them hauling the cases inside the house.
Ngumisi si Elmo na may dala dalang paper bag.
Rinig na rinig ni Julie ang pagtunog ng mga bote ng alak.
She placed her hands on her hips as she looked at them.
"Elmo magd-drive pa tayo pabalik!"
"Bal nakalimutan mo ba na holiday bukas?" Biglang sabi ni James na kakalabas lang muli galing sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Nobody Ever Made Me Feel This Way
FanficAll Julie Anne San Jose wanted to do was to be at the top of her game as Marketing Manager at Magalona Industries. All she wanted was to make it up to her father figure, Christopher Magalona who honed her to be the woman that she is today. She had n...