Chapter 54

897 58 14
                                    

"Ma'am Jirits gusto mo tubig? Gatas? Masahe?"

Julie sighed. She smirked at Kyline who was peeking at her from the door of her office.

"Did Elmo put you up to this?"

"Technically ma'am, maraming tao." Kyline said, biting her lip.

Nag-isip ito saglit bago umupo sa harap ni Julie.

"Ma'am napagusapan niyo na po ba kung anong gender gusto niyo po?" She asked with a smile on her face. Halatang excited na excited ito sa sasabihin ni Julie.

Pero yung totoo, hindi pa naman kasi talaga napagusapan ni Julie at Elmo.

She tapped her lip.

Saka siya munting natawa.

"Yung totoo Ky, we don't know yet." She chuckled again when she spoke up. "We just want him or her healthy."

"Yiii siguro ang cute cute ng anak niyo ma'am Jirits." Ani Kyline.

Tapos binunot nito ang litrato ni Julie at Elmo na nakaframe sa desk.

"Look o."

That picture was taken by Maqui when they were in Tagaytay.

Nakakalong si Julie kay Elmo na nakapulupot ang braso sa kanya.

"Ma'am ang cute siguro ng babies niyong dalawa talaga!"

"Baby pa lang Ky."

"Sure ako ma'am na makakatatlo kayo at least..." Tawa pa ni Kyline. Saka ito tumayo. "Alam ko na ma'am nahihilig daw kayo ngayon sa apple pie e. Ako bahala. Bibili ako tapos burger na din."

Bago pa makagalaw si Julie ay tumayo na si Kyline at lumabas ng opisina niya.

Napangiti si ulit si Julie.

Kulit talaga ni Kyline.

She loved that girl.

Nagring ang phone at agad niyang sinagot ang tawag. Galing ito sa contact niya sa Business magazine na ifefeature ang employees ng Magalona Industries. Umupo siya sa sofa niya doon.

"Yes hello."

May kumatok sa pinto kaya naman napaangat siya ng tingin nang bumukas ito.

It was Elmo looking deliciously yummy in his suit and glasses.

Damn these pregnancy hormones.

Sinenyasan muna niya ang lalaki na saglit lang.

Nakangiti na naglakad si Elmo papunta sa kanya.

Her eyes followed him as he settled beside her on the couch.

"Ah yes hello Lauren, yeah, sure of course, next week? Yes I'll set up the employees yes."

She felt Elmo kissing her cheek.

Julie continued talking to whoever it was on the phone while Elmo moved and settled his head on her lap.

Nginisihan ni Julie ang lalaki na relax na relax na nakahiga sa hita niya.

Buti na lang kasya ito sa sofa. Pero kinailangan din nito medyo ibend ang tuhod.

"Yes. Sure sure." Sagot pa ni Julie sa tawag sa kabila.

Naramdaman niyang umikot si Elmo para komportable ang paghiga nito.

She brushed her hands through his hair as she continued the call.

Nang matapos ay napatingin siya sa nobyo.

Nobody Ever Made Me Feel This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon