Naglalakad na kaming studio 11 para sa shoot na gaganapin. Kasama ko si Tammie dahil wala akong maiwanan dito ngayong Sabado, nagpaalam si Nana na uuwi muna sa pamilya niya kaya pinayagan ko at nagkataong biglaan ang shoot na ito.
"Morning Tem!" Bati sa akin ni Eli ng nakangiti. Inaayos nito ang tripod at ang camera na gagamitin para mamaya.
"Morning Eli." Bati ko pabalik dito. Mabait naman kasi ito kahit na minsan ay makulit sa pagyaya sa aking lumabas.
"Ang ganda mo ngayon, Tem." Swabeng sabi nito at agad akong namula ng magsimula kaming kantyawan ng mga kasamahan naming nakarinig.
Natigil iyon ng biglang tumikhim si Tammie na kunot na kunot ang noo nang tignan ko.
"Lagi naman pong maganda ang Mama ko hindi ngayon lang." Sabi nito ng magalang kahit na halata ang pamimilosopa nito. Alam kong hindi nito gusto ang naririnig dahil ayaw talaga nitong mag-entertain ako ng lalake. Kung hindi lang naman daw ang Dada niya ay okay lang na kahit kaming dalawa nalang habangbuhay. Okay lang din naman sa akin iyon dahil masaya naman na ako kahit kami lang, sa tingin ko din ay hindi ko na kailangan ng lalake.
"Anak." Suway ko dito ngunit nanatili itong nakasimangot at nakahalukipkip na nakaharap kay Eli. "Bakit nga pala biglaan lang ito? Wala naman ito sa calendar natin di ba?" Baling ko kay Eli dahil kanina pa ako nagtataka sa biglaang shoot na ito. Hindi kasi basta-basta pwedeng madalian dahil pinagpaplanuhan talaga ito ng maigi na umaabot ng ilang linggo o minsan ay buwan.
"Ah, yun ba?" Panaka-naka ang sulyap nito kay Tammie na tila hindi mapakali at apektado sa ginagawang pagtitig sa kanya ng masama ng anak ko. "Ka-kasi it's not everyday na umoo ang isang international singer na ma-feature sa magazine natin. Hinahabol kasi sa next issue natin itong exclusive feature natin kay Ted kaya madalian ang lahat." Natulala ako sa sinabi niya at alam kong napaayos ang anak ko sa narinig.
"Ted? As in Ted Cernas po?" Ang anak ko ang unang nakarecover sa aming dalawa.
"Y-yeah." Sagot ni Eli sa tanong nito.
Kumalabog ang puso ko sa kaba at takot. Andito si Ted at andito din si Tammie! Hindi sila pwedeng magkita. Wag muna ngayon. Not this fast. Agaran ang naging reaction ko, hinawakan ko si Tammie sa kamay at nagmamadaling tumalikod upang makaalis doon. Ngunit pagkatalikod na pagkatalikod ko ay pamilyar na mukha agad ang nakita ko. Mataman itong nakatingin sa akin na halos manginig na ako.
Ted. Unang tingin ko palang ay nakita kong halos lahat ng pagbabago sa hitsura niya. Sure, his then soft features got more refined that made him look mature and right for his age. His photos and TV appearances didn't do much justice, he looks even greater in person. He did changed his style preference too. Gone was my bad-boy looking rockstar usually clad in a simple graphic tee, ripped jeans and plain sneakers. The clothes he's wearing now screams of a real rockstar with an incalculable net worth. All in all, he's still every inch the man I love however not the man who loved me. I can tell just by the way he's looking at me.
"Mama." Lalo akong nanigas ng marinig ang mahinang tawag ng anak ko. Naisin ko mang itago siya sa likod ko ay huli na dahil nakita ko kung paano nalipat sa kanya ang tingin ni Ted. Natulala ito kay Tammie at sa takot kong makita niya ang pagkakahawig nila ay hinila ko ulit ang anak ko paalis doon.
"No. Dada!" Mariin akong pumikit at suminghap ng hindi ito natinag sa paghila ko bagkus ay kumawala pa ito at tumatakbong lumapit kay Ted na nanlalaki ang mata ng yakapin niya ito matapos tawaging Dada.
Narinig ko ang malalakas na pagsinghapan ng mga tao sa paligid na nakasaksi sa ginawa ng anak ko.
No, this can't possibly be happening to me! Shit! I can't. I can't lose my child now nor can I look if he'll reject her. But the moment I opened my eyes, my heart melted. Yakap yakap ni Tammie si Ted sa baywang, nakapikit pa ito habang paulit ulit na sinasambit ang 'Dada'. Kitang-kita naman pagkalito sa mukha ni Ted habang titig na titig pa din kay Tammie. Kinalas niya ang pagkakayakap nito sa kanyang baywang at lumuhod upang pantayan ito ng paningin. Nakita kong pumungay ang mata nito ng mapagmasdang mabuti si Tammie.
BINABASA MO ANG
Love, Dreams and Regrets
General FictionI regret the day I chose my dreams over love. I always dreamed to love without having to regret that I did. Tem and Ted's story.