Nang makarating kami sa bahay ay walang humpay pa din ang kwento ni Tammie kay Ted ng kung anu-ano. They are clearly catching up kaya hinayaan ko na lamang muna sila. Katulad kanina ay nakikinig lamang ako at nagsasalita lamang kapag nagtatanong si Tammie. Natigil iyon ng humikab na ito. Halatang napagod ito ng sobra ngayong araw pero hindi pa rin nawawala ang ngiti nito.
"Dada, can you read me a bedtime story?" Request nito kay Ted. She's already 10 and matagal na siyang hindi nagrerequest na basahan ko ng bedtime stories and just by that I can tell how she longed for him. My heart constricted with the thought and when I saw Ted's expression. I guess he knows it too. Sorry. Gusto ko iyong sabihin sa kanya ngayon. Sorry sa walang humpay na sakit na nakikita ko nang marinig niya ang request ni Tammie.
"S-sure." Sagot nito na halata ang pagpipigil ng emosyon. Tuwang nagtatalon si Tammie na umakto pang parang bata at nagpakarga dito paakyat sa kwarto nito.
This is what I have deprived them both of. And as I was watching them go up the stairs I have realized that I have deprived myself too, this immensely proud and fulfilling moment seeing them together.
Umakyat na din ako matapos kong magligpit sa kusina. Sinilip ko ang mag-ama at nangilid ang luha ko sa nakikita. Tammie looking adorably and lovingly up to Ted while he's looking down at her with equally loving look. He's telling her a story. An unusually familiar story.
"So how did you meet Mama?" Tanong ng anak ko. Natawa si Ted.
"We were classmates in Philo 1. Your mom was sleeping on our first meeting at muntik na siyang mahuli ng professor namin. I was just watching her head going back and forth tapos bigla siyang nauntog. It was really entertaining." Napasimangot ako lalo na ng sabay pang tumawa ng malakas ang dalawa. Ganyang ganyan siya talaga kahit noon pa lagi niyang ipinapaalala kung paano ko siya na-entertain sa boring na klase na iyon.
"Really? Mama dozed off during class? Ako din Dada madalas din akong nakakatulog sa class. Hindi ko naman sinasadya eh. I get really really sleepy when the class is boring and then the next thing I know ay pinapagalitan na ako nung math teacher namin kasi tulog daw ako. I didn't even have any idea na nakatulog na po ako. It's unintentional naman. At pati na rin yung mga susunod na pagsleep ko di ko din sinasadya buti nalang di na ako nahuhuli kasi I asked my seat mate to nudge me kapag tumingin si Mam. So mana pala talaga ako kay Mama no, Dada?!" Narinig kong tumawa muli si Ted sa sinabi ni Tammie. Ako din ay natatawa sa pinagsasabi ng anak ko. Siguro nga sa akin talaga siya nagmana sa aspetong iyon.
"But I look a lot like you daw po sabi ni Tita Beauty and Tita Gorgeous. Ang babait ng friends mo Dada, ang gaganda pa." Humagikgik ito matapos ng sinabi. Natahimik bigla si Ted.
"Tita Beauty and Tita Gorgeous ha? So baby, kailan mo pa nakilala sila?" Tanong ni Ted at kitang kita ko ang pagtiim ng bagang nito. He's mad. Definitely mad! Lagot na.
"Hmm, I met Tita Beauty when I was five. She told me about you and kept telling me stories of you when you were young too. She's so nice Dada. I love her! And of course, si Tita Gorgeous din love ko baka kasi magtampo iyon tapos wala na akong gift na cute dress everytime." Nakita ko ang paglambot ng expression ni Ted sa narinig. Yes Ted, don't get mad at them. They are your friends and they loved Tammie like their own. Blame me instead. Gusto ko iyong sabihin sakanya but there will be a right time for me to tell him that. To take full responsibility and pay for everything I did.
"Dada, tell me more." Ungot dito ni Tammie. Umalis na muna ako sa pakikinig at pagsilip sa dalawa para magbihis ng pambahay at maghilamos.
Matapos ang halos kalahating oras ay bumalik ako para silipin kung nakatulog na nga ba si Tammie ngunit naabutan ko lamang ulit ang dalawa na nagkukwentuhan pa din. They are so engrossed that they did not notice me again.
BINABASA MO ANG
Love, Dreams and Regrets
General FictionI regret the day I chose my dreams over love. I always dreamed to love without having to regret that I did. Tem and Ted's story.