Nightmare

1.6K 35 0
                                    

Pagdating namin sa venue ng shoot ay agad kaming nagsimula sa trabaho. Una kong inayos ang mga susuotin ni Ted. Hindi ko na pinalitan ang kanyang faded ripped jeans dahil ganun din naman ang ideya ko. Inalala ko na lamang ang shirt na susuotin niya. Sa totoo lang ay mabilis nang pumili para sa kanya dahil kahit ano naman ay bumabagay dito.

Sunod kong pinagtuunan ng pansin ay ang buhok nito.

"Ang init ng palad mo." Anito nang pinasadahan ko ng daliring may wax ang buhok nito. Hinahawi ko iyon pataas para malagyan ng istilo.

"Ganun talaga pag buhay." Pabiro ko pang sagot.

Ayaw kong malaman nito na may sakit ako dahil mag-aalala lang ito. Baka umalis pa kami dito wala sa oras at iuwi ako nito kapag nalaman iyon. Nakakahiya namang makansela ang shoot na ito na emergency na nga dahil minamadali na.

Matapos kay Ted ay tinulungan ko din sa pag-aayos ang ibang kabanda nito ngunit tumigil din nang makaramdam ng hilo. Umupo ako sa isang silya ng nakangiwi. I forgot my meds so I need to endure it.

Nang magsimula ang shoot ay pinilit kong manood pero tuwing makikita ko ang flash ng camera ay nahihilo lamang ako lalo. Umiwas ako at naglakad-lakad na lang pababa sa kabilang banda ng burol doon.

Tinanaw ko mula doon sa baba ang papalubog na araw. It's always a magnificent scene to watch when a part of the sky turns a darker shade of orange or sometimes even violet.

Pakiramdam niya ay may nagbabago sa mga nakasanayang paniwalaan. Ang sabi, ang kulay ng langit ay asul. Laging asul. Pero hindi ba nag-iiba ito katulad ngayon? Kulay kahel na ito. Paano pa
magiging tama ang asul sa mga panahong ito?

Times like these ay gusto niyang may hawak siyang papel at ballpen. Gusto niyang isulat lahat ng iniisip. Baka sakaling maganda ang maging resulta ng mga tanong. Baka masagot o baka may maitulong.

Pinilig ko ang ulo at iniba ang takbo ng isip dahil napagtanto kong napakakumplikado ng mga bagay na pinagtutuunan ko ng pansin.

Tinignan ko nalang ulit ang papalubog na araw. Hindi na mainit at unti-unti nang lumalamig ang hanging humahampas sa akin kaya medyo nanginginig na ako sa lamig.

Sinubukan kong tumayo ngunit napaupo lang din lamang dahil hindi ko kinaya ang hilo. Kinilabutan din ako bigla sa lamig ng simoy.

I checked my own temperature. Nilapat ko sa noo at leeg ang likod ng aking palad upang mapangiwi lang. Masyadong mainit iyon para sa akin. Mukhang bumalik nga ang aking lagnat.

Kailangan kong bumalik sa tent para doon magpahinga nalang muna. Baka sakaling madala ulit ng tulog ang hilong nararamdaman ko. Nang subukan ko ulit na tumayo ay nanginig lamang ang aking paa pero kinaya ko naman. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay tuluyan nang dumilim ang aking paningin.

•••••
"Tem!" Tawag sa akin ni Mama.

"Tem! May bisita ka! Bumaba ka muna!" Sigaw ulit nito.

"Opo!" Inayos ko ang mga papel sa ibabaw ng aking kama para hindi ko magusot pagbaba. Ginagawa ko ngayon ang last part ng aking thesis. Ang kahuli-hulihang requirement para maka-graduate ako.

Pagkarating ko sa aming sala ay nakita ko si Mama na kausap si Ate Trins, ang Ate ni Ted. Nagulat ako ngunit hindi ko iyon ipinahalata.

Love, Dreams and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon