"Tem! Hoy!" Tawag pansin sa akin ni Jee-Ann. Tinignan ko ito. "Ano? Kailan mo balak ikwento sa akin ang happenings sa life mo? Ha? Sa iba ko pa nalaman ang iyong connection with fafa Ted!" Napabuntong hininga ako. Mahigit isang linggo na iyong nangyari pero hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin iyon dito sa kumpanya. Nasa Batangas si Jee noon kaya ngayon niya lang din nalaman. Kaya ngayon niya lang ako nakukulit ikwento iyon.
"Ang damot mo sa kwento!" Patampo nitong sabi nang hindi ko ito agad sinagot.
"Mamaya na pag uwian. Kwento ko sayo nang matahimik na yang chismosa mong kaluluwa." Malumanay na sabi ko sakanya kaya naman ay napangiti ito. Para tumigil na ito ay ikikwento ko nalang. And if there's one person I can tell my story to it will be her. Matagal ko na rin naman kakilala si Jee at isa ito sa mga naging malapit kong kaibigan. Hindi na rin siya iba sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Sumasakit ang ulo ko sa tuwing naalala ang pinag-usapan namin ni Ted sa telepono. Gusto niyang ipaalam na sa publiko ang tungkol kay Tammie. Iyon daw kasi ang mainam na gawin at payo ng kanyang publicist matapos kumalat ang isang blind item patungkol dito. Hindi sana iyon mapapangalanan kung walang lumabas na picture namin. Nakuhanan iyon noong lumabas kami nang linggo. Mayroong nakakilala sa kanya at kumuha ng litrato naming tatlo.
Sunod sunod na problema, para bang inipon muna lahat at sabay sabay na ibinato sa akin.
Diyos ko, tulungan Niyo po akong kayanin ang lahat ng ito...
"Ano na? Go! Tira na beks! Shoot!" Atat na atat na pangungulit sa akin ni Jee. Kakaupo pa lang namin dito sa isang cupcake shop.
"Order muna tayo." Sabi ko nang makitang papalapit yung waitress sa amin. Nagrereklamong inirapan ako nito. Atat talaga, napailing na lamang ako.
"Nakaorder na tayo. Dalian mo na magkwento. Babatukan kita kapag sinabi mong hintayin muna natin yung order natin!" Gigil na turan ni Jee. Natawa na ako dahil mukha na talaga siyang mananakit. Ayaw pa naman niya ng binibitin sa kwentuhan.
"I don't know where to start." Pahayag ko.
"Sus edi start from the very beginning!" Sagot naman nito. Napahinga ako ng malalim.
"Naging classmate ko siya sa isang subject noong college. Philosophy 1. Unang araw palang ay pinagtawanan niya ako and then he sang. You know the usual, after that naging close friends kami tapos one day he confessed at niligawan niya ako. We were together for four years. Some said we were inseparable." Napangiti ako ng mapait.
"Anong nangyari sainyo?"
"Iniwan ko siya at pinili ang pangarap." Mukhang natigilan siya sa sinabi ko.
"Ikaw ang nang-iwan? Aba te! Tindi ng ganda mo ah." Pagbibiro niya ng makabawi. Siguro ay pinapagaan nito ang loob ko.
"Oo nga eh. Ang kapal lang ng mukha ko." Natatawa kong sagot.
"Mahal mo pa ba siya?" Malumanay na tanong ni Jee. Natigilan ako.
"Ayoko na." Lumunok ako para matanggal ang nakabara sa lalamunan ko. Nag-iinit na din ang gilid ng mata ko. Ginagap niya ang kamay ko na para bang sinasabi na naiintindihan niya ako.
Noon kaya kong mahalin si Ted kahit sa malayo, kahit nasasaktan pa ako ngunit ngayon ay hindi ko na alam. Kitang-kita ko ang galit niya sa akin at lalo akong nasasaktan dahil doon.
"Pasensya ka na, Jee ha. Sa iba mo pa nalaman at ngayon ko lang naikwento sayo."
"Ano ka ba! Nagulat ako, syempre! Akalain mong naging ex mo si Fafa Ted?! Pero naintidihan ko naman kung bakit ngayon mo lang nakwento...ayaw mo lang akong masaktan dahil ex mo ang boyfriend ko." Biro niya na ikinatawa ko.
"Salamat sa pag-intindi." Sagot ko ng natatawa.
"Tem, may tanong lang pala ako." Mahina at nakangising sabi nito. Lumapit pa ito sa akin.
"Ano yun?" Nagtataka kong tanong dahil ngising-ngisi talaga ito.
"Malaki ba? Masarap ba siya?" Tanong nito na ikinamula ko ng sobra. Ano ba namang tanong yun!?
"Ano ka ba naman, Jee-An!?" Suway ko sakanya.
"Pa-virgin ka masyado, may anak na nga kayo...10 years old na! Sasagutin lang yung tanong ko eh curious lang naman kasi ako. Sige na! Sabihin mo na! Tayong dalawa lang naman eh." Pangungulit pa nito.
"Tumigil ka nga! Hindi ko na maalala. Sobrang tagal na nun no!" Sabi ko para tumigil na ito sa pangungulit.
"Ba't namumula ka? Naalala mo eh!" Tudyo nito habang nakatingin sa akin ng mapang-asar.
"Hindi ah. Ang tagal na talaga nun kaya hindi ko na maalala." Sabi ko nang pasimpleng tinatakpan ang pisngi dahil alam kong namumula nga ako.
"Umamin ka nga sa akin, Tem. 10 years ka nang tigang no?" Binulong niya na lalo kong ikinapula.
"Jee!" Bulalas ko na ikinatawa niya.
"Alam na this!" Tawa pa rin ng tawa ito. Ang sarap lang batukan!
"Saan ka galing?" Muntik pa akong mapatalon ng bumukas ang ilaw sa sala at makita si Ted na prenteng nakaupo sa sofa. Napahawak ako sa dibdib para kalmahin ito. Para akong nasa horror scene kanina.
"Dyan lang sa malapit." Sagot ko dito at pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay. Sinilip ko muna ang kwarto ni Tammie. Nakita ko itong mahimbing na natutulog na, lumapit ako para halikan ito. Lumabas din agad ako para pumunta na sa kwarto at makapagpahinga.
Muntik na akong mapasigaw ng hilahin ako ni Ted pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ni Tammie papunta sa kwarto ko at ibinalya sa pinto.
"Uulitin ko ang tanong ko at sasagutin mo ng maayos. Saan ka galing?!" Matigas na tanong niya. Ang lapit lapit niya kaya naman ay naamoy ko na ang mabango niyang hininga at konting galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya. Shet! Napalunok ako sa kaba.
"Lu-luma----" Tumigil ako. Why was I planning to explain? Sino ba siya?! Tinigasan ko ang ekspresyon ko at hindi itinago ang kaba at takot. "Bakit ko kailangang magpaliwanag sa iyo? Wala kang pakialam kung saan ako galing. You're not the boss of me, Ted!" Matapang kong sabi. Laking pasasalamat ko na hindi ako pumiyok.
Ngumisi ito kaya naman ay agad aking napalunok ulit. Hindi ko gusto ang ngisi niyang iyan. "You and your smart mouth. I missed it. I missed this." Laking pagpipigil kong pumikit ng haplusin niya ang pang-ibabang labi ko.
"T-Ted." Pakiusap ko ngunit nagtono itong daing. Nag-init ang pisngi ko dahil doon.
Ngumisi siya sabay basa sa mga labi niya. Nanuyo ang labi at lalamunan ko sa ginawa niya kaya at ginaya ko siya. Lalong lumapad ang ngisi niya sa ginawa ko. Pagkatapos ay napasinghap na lamang ako ng maramdaman ang mamasa masa niya pang labi sa labi ko. Ilang segundo lang ito nakalapat nang magsimula niya itong igalaw. Kinuyom ko ang aking kamao upang pigilan ang sarili na sagutin ang bawat hagod niya sa labi ko. Damn! Shet! Damn! Sobrang laking pagpipigil ang kailangan kong gawin.
Tumigil siya at tinignan ako na tila ba nagtatanong kung bakit hindi ko sinasagot ang mga halik niya.
"Why are you not kissing me back? Kiss me, Tem. Miss me. I know you missed my lips too." Banayad ang pagkakasabi niya at muli akong hinalikan.
Huli na ang lahat para lumaban. Tuluyan nang natibag ang kanina'y konkreto kong disposisyon. Sinuklian ko ang bawat halik niya sa napakapamilyar na paraan na animo'y kahapon ko lang siya huling nahagkan. The feeling was so strong and familiar that I became insensitive of the other feelings creeping in me. Ang gusto ko lang at ibalik sakanya ang pleasure na ibinibigay niya sa akin ngayon.
I am being haunted by our past and even our future after this but all I care is now...the present. His lips on my neck. His warm hands on my waist. Kung saan man kami patungo ay bahala na.
BINABASA MO ANG
Love, Dreams and Regrets
General FictionI regret the day I chose my dreams over love. I always dreamed to love without having to regret that I did. Tem and Ted's story.