Angel

1.8K 50 7
                                    

"I understand if you will get mad at me and will choose to leave..." Matalim na nilingon ko si Rhi dahilan kung bakit natigilan siya sa pagsasalita.

Hindi ako nagagalit ngayon sa mga nalaman ko pero siguro ay naguguluhan ako at naiinis sa kanyang pagsisinungaling. Kakarating ko lang galing sa Pilipinas matapos ihatid si Tammie pauwi at alagaan si Tem sa hospital tapos ito agad ang sasalubong sa akin? Huminga ako ng malalim. Ano nga ba dapat ang gawin ko ngayong maaaring hindi ako ang ama ng batang dinadala niya?

But, if there is one thing I learned from what happened to me and Tem years ago is not to decide immediately without talking about the problem first.

"We don't know yet! There is still a possibility that I am the father! Our plans will push through. Nothing will change." Matigas kong saad.

"I am really sorry..." Nanginginig ang boses niyang sambit. Umiling ako at malakas na singhap.

"Why?" Simpleng tanong ko sa kanya.

Ramdam kong umupo siya sa tabi ko at huminga ng malalim.

"Every time I see you with Tammie, I always see how she needs you. She's such a gentle and sweet girl that my conscience won't allow me to take you away from her. It's just so hard knowing that what if you really belong to them and your responsibility with me and the baby is the only thing keeping you from going back. You've been so good to me and that means I want you to be happy." Mahabang paliwanag niya. Natigilan ako. Ganoon ba ang iniisip niya sa pagpili ko sa kanya?

Yumuko ako at itinukod ko ang aking siko sa tuhod habang hinihilamos ang palad sa aking mukha.

Aaminin kong may katotohanan ang kanyang mga sinabi. Nang mag-usap kami ni Tem sa hospital at nalaman ko ang totoo sa lahat ng nangyari noon ay hindi ko ipagkakaila na gusto ko na silang balikan ni Tammie pero hindi ko magawa dahil laging sumasagi sa isipan ko ay kung paano ang responsibilidad ko kay Rhi at sa bata. I cannot just turn my back on them.

Tama naman kasi si Tem. Marami nang nagbago at may kanya-kanya na kaming mga buhay ngayon. Hindi na namin dapat balikan ang nakaraan dahil marami nang maaapektuhan. In order to not complicate things again, I decided to stick to the life I have now.

Nakokonsensya ako ngayon. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. I kissed her hair.

"I am sorry if you feel that way. I am sorry that you think I am only here because of the baby. You are important to me. No matter what the outcome will be, whether the baby is mine or not, I will never leave as long as you need me." Madamdaming bulong ko.

Matapos noon ay nanatili ang maganda naming samahan, yun nga lang ay napagpasyahan naming huwag na munang ituloy ang kasal hangga't hindi pa kami parehong handa na dalawa. It was a mutual decision but we have not cancelled anything yet with the preparations or even with our family and friends because we are both too busy. Pareho kaming abala sa iba't ibang bagay. Ako sa panibagong album na ginagawa ko ngayon at siya naman ay sa paghahanda para sa panganganak niya.

Nandito ako sa recording studio ngayon at inaayos ang isa sa mga kanta na kasali sa bagong album na ilalabas ko nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa ibabaw ng mesa at tinignan kung sino iyon. Nakita kong si Rhi ang tumatawag kaya agad ko namang sinagot. Nanlamig ako nang marinig ang nahihirapang sigaw niya mula sa kabilang linya.

Love, Dreams and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon