Definitely Back

1.6K 42 1
                                    

Ang sabi ko sa sarili ko kapag umabot na ng 100 reads then magupdate ako. Akalain mong ngayong gabi umabot, napasubo tuloy ako. Hahaha! Anyway, thank you for reading this po! -cyber hugs and kisses-
-------------

'Yes, we are exclusively dating.'

Nakita ko kung paano ito matamis na ngumiti sa harap ng camera. Pinatay ko ang tv at bumuntong hininga. Rhiannon and I have been friends for a year before we started to take it to the next level. And I don't mind if she's telling everyone about it.

Do I love her? No, I don't. I don't think I'll ever be able to trust myself to fall in love again. I can't be stupid for the second time around. Love weakens our resolve and affects our way of thinking. It isn't healthy.

Does she love me? No, she doesn't. We are only dating cause we understand each other. It's only for our convenience. I've learned that love isn't the only ingredient for a long-lasting relationship. It also takes trust and understanding.

Aanhin mo ang pagmamahal kung wala kayong tiwala sa isa't isa at pagkakaunawaan? You can make it without love but never without the other two.

--------
'Yes, we are exclusively dating.'

Napasinghap ako ng makita iyon sa evening news. The woman named Rhiannon just confirmed the rumors about her and Ted. Pakiramdam ko ay may mga mumunting karayom na tumusok sa puso ko. Nasasaktan na naman ako at mas higit ang sakit na ito dahil nakikita ko ang lungkot sa mata ng anak ko ngayon.

Tumingin ito sa akin ng nanunubig ang mata. "Why is Dada dating another woman? Hindi ka na ba niya talaga mahal Mama? Does that mean, he doesn't wanna meet me too?" Niyakap ko ito ng mahigpit.

I cupped her face and wiped some of the tears that escaped. "Honey, eto ang tatandaan mo okay? Mama loves you so much. I will do everything for you. You'll meet your Dada and he's gonna love you just the same. Hindi dahil may iba nang mahal ang Dada mo ay hindi ka na niya pwedeng mahalin. You are his daughter, he'll forever have a special place for you in his heart sa oras na malaman niya ang tungkol sayo." Niyakap ko ulit ito at hinele habang patuloy sa pag-iyak. Maya-maya pa ay pantay na ang hininga nito patunay na nakatulog na ito. Noon ko hinayaan ang sarili kong umiyak. Umiyak para sa sarili ko at para sa anak ko.

Madalas ibalita ang tungkol sa iba't ibang babae at si Ted. Sa halos siyam na taon ay nasanay na ako sa bagay na iyon. Ngunit alam kong iba ito. Iba ang Rhiannon na iyon sa mga naging babae niya dahil ngayon lamang may umamin sa mga ito sa publiko. And she's really confident about it. Maraming larawan nila ang kumalat at halos lahat ay tanggap silang dalawa.

Hindi ko na alam kung ilang oras na ako sa ganoong pwesto habang yakap yakap ang anak ko. Tahimik akong lumuluha. Para akong mababaliw sa sakit. Nang mahimasmasan ako sa kakaiyak ay binuhat ko na si Tammie patungong kwarto. Doon na din ako natulog sa tabi niya dahil hindi ko ata kayang mag-isa ngayong gabi.

Kinabukasan ay balik sa dati ang buhay naming mag-ina. Balik din ako sa pagpapanggap bilang matatag at malakas na tao sa harap ng anak ko.

Inihatid ko muna si Tammie sa school bago magtungo sa studio. May photoshoot ngayon at ako ang isa sa mga stylists doon. Nagtungo ako kay Jee na nasa cafeteria.

"Dios mio, Tem! Ang pangit mo! Anong nangyari sayo at mukha kang sasali sa zombie apocalypse?!" Panglalait ni Jee-Ann ng makita ako. Tinignan ko din ang sarili ko gamit ang glass window at kahit medyo malabo ay kitang-kita ang buhok kong sabog.

"Mag-ayos ka nga! Paano ka magkakaroon ng love life niyan?!" Inirapan ko ito.

"Hindi ko kailangan ng love life-"

Love, Dreams and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon