The One Worth Loving

1.4K 41 0
                                    

Kakaalis lang ni Ted pabalik ng US. Hinatid namin siya kasama ni Krizzy at Bianca na panay ang iyak dahil mamimiss daw niya si Ted. Naging tampulan na naman iyon ng asaran nilang tatlo lalo na nina Krizzy at Bianca kaya imbes na malungkot ang tagpong iyon ay nagtatawanan pa kami.

Si Tammie naman ay hindi na umalis sa tabi ng ama, lagi lang itong nakayakap o kaya naman ay nagpapakarga pa kahit na ang laki niya na. Umiyak lang siya nang kailangan nang magcheck-in ni Ted, yumakap pa siya ng sobrang higpit na tila ayaw nang bumitaw. Ako man ay naiiyak ngunit pinigilan ko ang sarili dahil hindi naman na kailangan ng luha ko.

"Tem, okay ka lang?" Umiiyak na tanong sa akin ni Bianca, niyakap pa niya ako. Natawa ako sa tanong niya at sa ginawa niya dahil pakiramdam ko ay siya ang mas dapat na tanungin ko niyon.

"Ayos lang ako. Ikaw ba?" Balik tanong ko nang natatawa.

"Oo nga GF, kung makacrayola ka talaga dyan para kang asawang iniwan! Kaloka! Ito ngang si Tem na asawa ay hindi umiyak!" Pang-aasar ni Krizzy kay Bianca na ngumuso lang saka tumawa. Mukha akong naharass sa sinabi niya.

"Anong ako ang asawa?! Maghunos-dili ka nga dyan Krizzy! Babalik yun sa totoo niyang asawa!" Napakagat labi ako...medyo bitter ang tono ko pero hindi ko naman sinasadya. Nagtawanan na naman silang dalawa habang si Tammie naman ay nakatingala lamang sa amin at nakikinig.

"Kayong dalawa wala kayong makuhang asarin at ako ang pinagdidiskitahan niyo?" Asik ko sa kanila. Lintek talaga! Lumalabas tuloy ang totoo kong damdamin.

"Baby Tammie, bitter ng Mama mo.." Simpleng komento ni Krizzy na kausap ang anak kong ngumiti.

"Yes. I think Mama still loves Dada." Sagot naman ng anak ko na ikinapula ko. Hinatak ko na si Tammie palabas ng airport palayo sa nakangising si Krizzy at ngayon ay tumatawa nang si Bianca.

"Tammie, I don't love your Dada anymore." Sabi ko sa anak ko habang naglalakad kami. Kailangan kong sabihin ito, kailangan kong magpaliwanag, kailangan kong huwag niya iyong paniwalaan.

"If that's what you say..." Nagkibit balikat siya, napatigil ako. Ganun kadali niya akong pinaniwalaan? "...but Mama you sound so defensive kaya I still don't believe you." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng anak ko saka ngumuso. My daughter is really smart walang lusot.

"Uwi na kayo, Tem? Merienda muna tayo." Yaya ni Bianca na nakahabol na pala sa amin. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Matagal ko na ding hindi sila nakakausap.

Nagtungo kami sa isang fast food chain sa malapit dahil iyon ang gusto ni Bianca. Siyempre buntis siya kaya pinagbigyan na namin. Nagulat kami nang humingi siya ng maraming gravy at isinabaw iyon sa kanin, nagmistulang baha sa plato niya ng gravy.

"GF, hindi sabaw ang gravy!" Suway ni Krizzy ng nakangiwi. Maging ako man ay napapangiwi sa hitsura ng pagkain ni Bianca dahil parang nakakaumay.

"Heh! Nung ikaw ba naglihi pinakialaman kita?!" Naiiritang sita ni Bianca kay Krizzy. Natawa ako.

"Kailan ka pa nabuntis, Krizzy?" Tanong ko. Posible pala iyon.

"Matagal na nung bago pa ako ipanganak, dati akong babae tapos may walo akong anak." Sagot niya na parang nagkukwento lang tapos ay sabay sabay kaming humagalpak ng tawa. Loka-loka.

"Oo nga sa lahat siguro ng naging buhay niya babae siya tapos ngayon lang siya naging lalake kaya ayan pusong babae pa din." Saad naman ni Bianca, nagustuhan naman ni Krizzy ang logic doon kaya nag-apir pa ang dalawa.

Ganon lang buong merienda namin puro asaran at tawanan. Nakakatuwa dahil kahit papaano ay nakalimutan namin pare-pareho ang lungkot nang pag-alis ni Ted.

Dalawang araw na din ang makalipas...pero hindi pa din naman tumatawag si Ted sa amin. Masyado siguro siyang naging busy sa career niya at sa Rhiannon niya kaya hindi niya magawang tumawag para man lamang ipaalam na nakarating siya doon ng ligtas. Shet lang di ba? Hindi ako bitter o demanding...I'm just a mother and nag-aalala lang ako para sa anak ko. Kung hindi pa isearch ni Tammie si Ted sa net ay hindi pa namin malalaman na nakarating siya doon ng buhay. Of course, photographs of him arriving at the airport was all over the net. Paparazzi were swarming around him.

Nasa kwarto ako at kakarating ko lang galing sa isang commercial shoot sa Tagaytay nang pumasok si Tammie. Hawak niya sa may tainga ang telepono niya at nakangiti siyang nakikipag-usap.

"Ma, kausapin ka daw ni Dada." Naputol ang pag-iisip ko nang inabot sa akin ni Tammie ang phone niya. Kinuha ko iyon at umirap nang hindi nakikita ng anak ko.

Wow! Anong nakain mo?! Magic sarap!!

"Hello." Malamig kong wika. Buti at naisipan mo pang tumawag! I know...erm...I sound like his wife pero kasi naman eh!

"Hey, I'm on a meeting right now..." Pakialam ko. "...in a few hours I'll have an exclusive interview and I'm telling everyone about you and Tammie." Kwento niya sa malumanay na tono. Why is he even telling me all of this?

"Okay pero bakit kailangan pati ako kasali? Just tell them about Tammie and leave me out of it. Hindi na naman mahalaga." Malamig ko pa ding sabi. I'm so glad I didn't sound bitter at all. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Tem, I can't tell them about Tammie without telling about us. And anong hindi mahalaga? It is important dahil parte ka ng buhay ko noon." It damn hurts when he said it. Siya na mismo ang nagsabing parte ako ng buhay niya noon. Noon!

"Whatever, Ted. Do it then, say whatever you need to say just promise me that it will protect Tammie from your harsh world." Matabang kong saad tsaka ibinalik kay Tammie ang telepono. Bahala na siyang kumausap sa Dada niya cause I can't take it. Nagdiretso ako sa banyo at naligo. I didn't cry, it hurts but I didn't cry. Dinama ko lang ang sakit.

Nang lumabas ako sa banyo ay nagulat pa ako dahil nandoon pa din si Tammie. Wala na siyang kausap pero diretso ang tingin niya sa akin.

"Ma..." Ngumiti ako sa kanya at lumapit para halikan sa noo. Sa hitsura niya ay alam kong nag-aalala siya sa akin.

"I'm okay, honey." Wika ko para siguruhin siyang kaya ko pa. Tumango siya at yumakap sa baywang ko.

"Ma, nandito lang ako lagi. Ako...hindi kita iiwan. Hindi kita ipagpapalit sa kahit na ano o kahit na kanino. I love you po, Ma." Nangilid ang luha ko dahil sa mga sinabi niya. She's really my gem.

Alam niya ang kwento namin ng Dada niya. Naiintindihan niya ako at kailanman hindi siya nagalit, never niya ako sinisi. She loves me just the same...

And I realized na hindi ko kailangan ng taong iiwan at sasaktan ako ng paulit-ulit kung nandyan naman ang anak kong alam kong mananatili sa tabi ko.

"I love you too, honey." Niyakap ko siya ng napakahigpit.

She's all I will ever need. She's the one worth loving. No one else...

Love, Dreams and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon