Goosebumps

2.7K 45 1
                                    

"Aray!" Sigaw ko nang mauntog ako sa pader. Ano ba naman yan?! Istorbo naman tong pader sa pagtulog ko.

"Miss Navarete, is there something wrong?" Nakataas kilay na tanong sa akin ng professor. Ang taray naman nito ni Mam, taas kilay talaga! Pero unang araw ng klase at ayaw kong mapagalitan kaya ay daglian akong umiling. Narinig kong tumawa ng mahina ang lalake sa likod ko.

"Alam mo, kanina ko pa inaabangan kung kailan tuluyang mauuntog yang ulo mo sa pader. Mas nakakaaliw kang panoorin kaysa makinig kay Mam." Bulong nito. Nagtaasan bigla ang balahibo ko sa batok. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa likod ko.

Lumayo ako ng kaonti tsaka ito nilingon at matalim na tinignan. "Your welcome sa pageentertain ko sayo." Sarkastikong sagot ko dito. Lintek na lalaking ito! Ginawa pa akong personal clown niya. At kung makalapit akala mo close na talaga kami. Hinihingahan pa ako sa batok, goosebumps tuloy. Ayoko pa naman ng pakiramdam ng ganon.

Nang matapos na ang klase ay hindi agad ako nag-ayos. Isang oras pa bago ang sunod kong subject kaya hindi ako nagmamadali.

"By the way, I'm Ted." Ay anak ng tipaklong! Napatalon ako sa kinauupuan ko. Nakakagulat naman kasi ito bigla bigla nalang magsasalita ang akala ko pa naman ay nakaalis na ang lahat. Tumawa na naman ito pero ngayon ay ubod ng lakas na.

"Nakakatuwa ka talaga, Miss Navarete. Sobrang magugulatin mo pala." Nakakalokong sabi nito.

"Ay oo. Pasalamat ka at nagulat ako kaya hindi kita nabigyan ng flying kick." Sagot ko naman dito.

Natawa na naman ito ng malakas. Bentang benta naman ako dito sa Ted na ito. "Wala ka bang balak umalis Miss Navarete?" Tanong nito.

"Ikaw, wala ka din bang balak umalis?" Tanong kong pabalik dito.

"Ako ang unang nagtanong, Miss Navarete." Sagot nito ng natatawa. Ano ba yan?!

"Wala namang susunod na klase dito kaya okay lang tumambay. Matutulog ako eh. Ayoko naman sa cafeteria masyadong maingay at lalong ayoko sa library baka mapasarap naman ang tulog ko sa sobrang tahimik."

"Pwede ba akong makitambay muna dito? Promise Miss Navarete, hindi ako magiingay." Sabi nito.

"Isa pang Miss Navarete, makakatikim ka na talaga ng flying kick ko. Nakakarindi nako! Tem nalang nga ang itawag mo sa akin. Okay lang, hindi naman akin tong room kaya ba't kita pagbabawalan. Bahala ka kung anong trip mo sa buhay." Nakita ko itong ngumiti. Hay! Kung ang tawa niya ay makalaglag bra yung ngiti niya naman ay makalaglag panty. At yung mata niya, ay nako, iyong mata niya kung makatingin parang nanghuhubad lagi. Wala na. Exposed na exposed na ang buong kaluluwa ko sa lalakeng ito.

Yumuko na ako at ipinatong ang ulo ko sa braso ko. Itutulog ko nalang itong kahalayan sa utak ko.

Ngunit maya-maya pa ay narinig ko ang pagtunog ng gitara at kasunod nito ay ang pagkanta.

I've been roaming around
Always looking down at all I see
Painted faces, fill the places I cant reach

Napaangat ako ng ulo. "Naiistorbo ba kita?" Tanong nito habang nag-strum. Umiling naman ako kaagad. Ang ganda ng boses niya at napakalamig ng paraan ng pagkanta niya. Ayan na naman ang goosebumps ngunit ngayon ay dahil naman sa boses niya. Nagpatuloy ito sa pagkanta.

You know that I could use somebody
You know that I could use somebody
Someone like you, And all you know, And how you speak
Countless lovers under cover of the street

Yumuko nalang ako ngunit nanatiling nakikinig sakanya. Ni hindi ko magawang matulog dahil gusto ko lamang pakinggan at damhin ang lamig ng boses niya. Ni hindi ko siya magawang putulin para itanong kung saan niya nakuha yung gitara.

You know that I could use somebody
You know that I could use somebody

Noong high school graduation kasama ang mga kaibigan ko, nang makakwentuhan ko ang crush ko sa bench malapit sa field, o nang magpunta kaming mag-anak sa Disneyland. Lahat ng pagkakataong iyon, ni minsan ay hindi ko hiniling na tumigil ang oras. Ngayon lang habang pinapakinggan ko siyang kumanta.

Someone like you, oh, oh
Someone like you, oh, oh
I've been roaming around,
Always looking down at all I see

"Hoy Tem! Tulala ka na naman dyan!" Suway sa akin ng kaibigan kong make up artist na si Jee-Ann. Napabuntong hininga ako. Nandito kami sa set ng isang pelikula kung saan kinuha ako bilang stylist.

"May naalala lang ako." Katwiran ko dito. Sa isang university ginaganap ang shooting kaya naman ay naalala ko noong studyante pa lamang ako. At bumabalik ang alaala namin sa nakaraan. Ang nakaraang pinipilit kong takasan at kalimutan.

"Hasus! Drama ka! Oy Tem, nakita mo na ba ito? Sino naman kaya itong babaeng to na kahalikan ni Ted? Ang swerte naman nako! Magisplit ako ngayon din, hora mismo, mahalikan ko lang din si Ted!" Pahayag nito ng mukhang seryoso sa huling sinabi nito. Gusto kong matawa sa pinagsasabi nito pero hindi ko magawa ngayong nakalahad sa harapan ko ang picture na sinasabi nito. Isa lang ang rumerehistro sa utak ko ngayon. Sakit. Masakit pa rin talagang makita siyang may iba.

"Ayos ka lang ba talaga, teh? Natatakot na ako sayo, dadalhin na ba kita sa doctor?" May halong pag-aalala na sabi nito.

"Gaga! Hindi pa ako nababaliw!" Malapit pa lang. Siniglahan ko ang tono ng pagkakasabi nito.

Walang nakakaalam na kahit na sinong kakilala ko ngayon sa nakaraan namin ni Ted. Tama nang hindi na nila malaman ang katangahang ginawa ko noon ngunit minsan naiisip kong sabihin nalang dahil nasasaktan na ako. Sa bawat balitang naririnig ko tungkol sa kanya at sa ibang babae ay tila paulit-ulit ipinapamukha sa akin na wala na akong karapatang makadama ng selos at lungkot. Sa bawat nakikita kong nakangiting litrato niya ay hinihiling ko na sana ako pa din ang dahilan ng mga ngiting iyon. Ngunit, malabo nang mangyari iyon.

Ako si Clarity Mae Navarete. Ang babaeng minsan nang naramdaman kung paano mahalin ng isang Theodore Cernas. Ngunit ngayon, ako nalang ang babaeng walang magawa kundi ang damhin at akuin lahat ng sakit dahil ako naman ang may gusto nito. Ako ang may kagagawan ng sarili kong impyerno.

Love, Dreams and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon