I never felt so low in my life until he did that to me. Nagagalit ako sa kanya ngunit mas galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang gawin iyon sa akin ng hindi lang isang beses kundi ay dalawa!
Sabi nga, 'Fool me once - shame on you. But fool me twice - shame on me'.
"Friend, pansin ko lang kanina ka pa dyan nakasimangot at halatang balisa. May problema ka ba?" Tanong sa akin ni Jee.
"Wala naman. Huwag mo nalang akong pansinin medyo masama lang ang pakiramdam ko." Sagot ko sakanya.
"Ha? Eh masama pala ang pakiramdam mo bakit ka pa pumunta dito at tumulong? Hindi mo na naman trabaho ito di ba? Sana nagpahinga ka nalang sa bahay niyo." Pangaral nito. Napabuntong hininga ako.
Mas gugustuhin ko pang magtrabaho kaysa ang manatili sa bahay at makita si Ted. Doon na kasi ito naglalagi, hindi ko alam kung bakit.
"Ayos lang. Nakakaburyo din naman sa bahay tsaka uminom na din naman ako ng gamot. Okay na." Wika ko. Nagkibit balikat lamang ito at iniwan na ako para asikasuhin ang model.
Medyo gabi na ng makauwi ako dahil nagkaproblema sa isa sa mga models. Masyado itong maarte kahit hindi pa naman gaano kasikat. Ayoko nang isipin pero nakakainis kasi ako ang nakasagutan nito matapos sigaw-sigawan si Jee.
Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko sina Ted at Tammie sa sala na nanonood ng Tangled.
"Hi Mama!" Lumapit sa akin si Tammie at humalik. Hinalikan ko rin ito sa ulo. Iniiwasan kong tignan si Ted.
"Ma, join me and Dada! Let's watch another movie together." Pakiusap nito habang nagpapaawa pa. Paano ba ako makakatanggi?
Tumango ako bilang pagsang-ayon ngunit nagpaalam muna dito na magbibihis. Tinungo ko ang kwarto at pumasok sa banyo para maghilamos. Humarap ako sa salamin sabay napabuga ng hangin.
Tem, movie lang. Isa o dalawang oras lang yun. Please, this time umiwas ka na. Tsaka control yourself para sa anak mo. Ayaw mong makita ng anak mo na hindi kayo magkasundo ng tatay niya.
Humugot ulit ako ng isang malalim na hininga at bumuga. Ilang minuto pa ay bumaba na ako at nakita kong May bago nang batch ng popcorn sa coffee table at nakasalang na din ang DVD. Handa na ang lahat at ako nalang ang kulang. Ngunit nang tignan ko ang pwesto namin sa sala ay parang gusto ko nang umurong. Si Tammie ang nasa may dulong bahagi ng sofa habang nakaunan ang ulo sa mga binti ni Ted. Ang tanging maaari kong upuan ay ang katabing bakanteng space ni Ted. Ugh!
Pumunta ako sa may paanan ng anak ko at pinilit iusog ang paa nito upang ipatong nalang din sa binti ko.
"Ma! Huwag ka dyan! I wanna stretch my legs." Nakasimangot na reklamo nito. Napasimangot na din ako.
"Dito ka nalang Tem." Suhestiyon naman ni Ted na parang wala lang. Parang walang nangyari sa amin at parang hindi ako nainsulto sa ginawa niya kanina.
"Mama! Doon kana kasi si tabi ni Dada! Naman eh!" Yamot na reklamo nito. Umirap ako sa kawalan at napipilitang lumipat ng pwesto sa tabi ni Ted.
Nagsimula na ang movie at ayos na din naman ang pwesto ko. Yun nga lang hindi ako mapakali dahil gusto ko ng may nginunguya pero hindi naman ako makakuha ng popcorn dahil hawak ito ni Ted. Naiilang akong mag-abot pa sa harap niya. Ayyy nako! Nagkasya na lamang ako sa pagngata sa kuko ko.
Nagulat ako ng alukin niya sa akin ang bowl ng popcorn. Tinignan ko siya.
"You can never watch a movie without chewing on anything." Taas kilay na sabi nito. Hindi na ako nagpakipot at kinuha ko na ang bowl. Sumandok naman siya sa kamay niya ng marami at inilahad din ito para makakuha si Tammie. Habang sumusubo ay napangiti ako. Kung dahil saan ay ayoko nang isipin pa basta natutuwa ako.
Maya't mayang nagtatanong si Tammie tungkol sa movie hanggang sa bigla na lamang itong tumahimik. Yun pala ay nakatulog na. Natawa ako habang hinahaplos haplos ang noo nito. Oo, hindi na ako naiilang kay Ted. Kukunin ko na sana si Tammie nang pigilan ako ni Ted.
"Let her sleep on my lap just until we finish this movie then I'll bring her to her room." Bulong nito. Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon.
Inabot ko ang ulo nito ngunit kamay ni Ted ang nahawakan ko dahil hinahaplos pala nito ang ulo ni Tammie. Nabawi ko agad ang kamay ko pero nagkatinginan kaming dalawa. Napabitaw lamang kami sa tinginan nang magsalita si Nana Linda.
"Ako'y matutulog na kayo na bahala dyan o kaya ay iwan niyo nalang ako na magliligpit bukas ng umaga." Wika nito.
"Matulog na po kayo Nana, kami na lamang ang bahala dito. Night po!" Tugon ko dito. Nagpaalam din si Ted dito.
Tumingin na lamang ako ulit monitor at pilit na pino-focus ang attention sa pelikula.
"Tem." Mahinang tawag sa akin ni Ted.
"Hmm?" Tanging sagot ko nang hindi ito nililingon.
"Nothing." Kapagkuwan ay sabi nito. Nilingon ko ito ng nakakunot noo ngunit ipinagkibit balikat ko nalang at hindi na nagtanong pa dito.
Pagkatapos ng pelikula ay iniakyat na nito si Tammie sa kwarto at ako naman ay niligpit ang kalat at inayos ang sala. Pumunta ako sa kusina para hugasan ang mga ginamit namin. Nang matapos ay nagpasya na akong umakyat para tignan si Tammie at makapaghanda na rin matulog.
Nang makarating sa sala ay nakita kong bukas ang pintuan at nakikita ko mula sa labas ang anino ni Ted, naririnig ko rin ang boses nito kahit mahina. May kausap ito sa telepono. Lumapit ako, hindi ko alam kung bakit. Ang sabi ng utak ko ay dahil sa dapat kong isarado ang pintuan ngunit may parte sa aking hindi ko maintindihan kung bakit gustong lumapit doon.
"Rhi, no! We are not back together. You have nothing to worry about. It's just...I have to do this for my daughter. You understand me, don't you? 10 years Rhi, I never knew her existence for a decade!" Natahimik ito saglit tsaka malakas na bumuntong hininga.
"I'm sorry, okay? I promise when I get back I'll give you all my time. I'll be present in every doctor's appointment." Nanunuyong tono na sabi nito. May kirot akong naramdaman sa narinig. Kaonting inggit dahil ni minsan sa pagdadalang-tao ko ay wala siya. Hindi ko siya nakasama...pero heto siya at ipinapangako iyon sa ibang babae. Siguro ay dapat na akong tumigil sa pakikinig dahil lalo ko lamang nararamdaman at napapatunayang nasasaktan pa din ako. At isa lang ang pwedeng dahilan kung bakit...
Mahal ko pa din siyang talaga.
Tumalikod na ako ngunit natigil ako sa paghakbang ng marinig ang sunod niyang sinabi.
"Yes, Mick told me about it. I'm flying back in two days there was a..."
Umakyat na ako at agad tinungo ang kwarto ng anak ko. Pinagmasdan ko ito. Alam na kaya ni Tammie ang tungkol sa pag-alis ng ama?
Masasaktan ito panigurado. Hinaplos ko ang pisngi nito at hinalikan.
Anak, ako hinding hindi kita iiwan. Tandaan mo yan. Mahal na mahal ka ni Mama.
Hinalikan ko ulit ito tsaka tumayo na. Pumasok na ako sa kwarto ko at naghanda na matulog. Bahala na si Ted sa baba tutal ay sanay na naman ito dito sa bahay. Humiga na ako at nagdasal para sa anak ko pati na rin sa sarili ko. Blangko ang isipan ko hanggang sa wakas ay makatulog na ako. Nanaginip nga agad akong pumasok si Ted sa kwarto ko at humiga sa tabi ko tapos ay nagsabi pa ito ng isang masuyong good night sabay halik sa noo ko. Napangiti na lamang ako sa kabila ng panaginip dahil alam ko naman na talagang hanggang panaginip lang mangyayari na iyon...
BINABASA MO ANG
Love, Dreams and Regrets
General FictionI regret the day I chose my dreams over love. I always dreamed to love without having to regret that I did. Tem and Ted's story.