Nang makatext ko si Ted 2 ay naisip kong he isn't that bad kahit masyadong madami silang pagkakatulad ni Ted, mula sa pananamit, mga hilig at ugali. Natutuwa akong kausap siya. He reminds me of the old Ted so much that I'm becoming more like the old me as well. And though it's wrong,
I am using this situation for my advantage.Lagi kaming magkasama at ilang linggo din kaming magkatrabaho. Tinanggap ko yung offer niyang work sa akin dahil nawala na rin naman ang pagkailang ko sa kanya. Nakilala ko na din ang mga band mates niya. We would usually go out to lunch. Natutuwa naman doon si Jee and been pushing me to him.
"So...no way!" Gulat at tila wala pa rin sa sariling bulalas nito.
"I'm sorry. Hindi lang ako makapaniwala." Tumikhim pa siya. "I mean, alam ko yung balita pero hindi ako interesado doon, I heard about it from Isha. Tapos now, malalaman kong ikaw yung babaeng yun? Wow! How does it feel? Alam mo na...uh, kung okay lang magtanong. It would totally be fine kung hindi mo sagutin." Natawa ako sa kadaldalan niya. He can talk nonstop actually. Hindi halata sa kanya but he can. I revealed to him my past with Ted Cernas. Napag-usapan kasi namin ang noon at kumportable naman na ako sa kanya so why not?"Sumisikat palang siya noon so wala,
normal naman ang buhay with him. Pero ngayon, it's complicated. Alam mo na, when you guys ended on bad terms siguro naman talagang magiging awkward ang situation niyo even after so many years. So ayun, we are civil pero totally awkward with each other. Nagkakasundo lang naman kami dahil sa anak namin." Ang gaan talaga ng loob kong magshare sa kanya agad ng mga pinagdaanan ko to think na ni hindi ko man lang ito masabi-sabi sa mga matagal ko nang kakilala. Maybe because, I know that he won't judge?Minsan kasi mas madali talagang mag-open up sa mga taong kakakilala mo palang kasi wala silang alam saiyo masyado hindi ka nila pwedeng husgahan ng basta-basta nalang and they will accept every information about you as a new info. No bias at all.
Tumango-tango siya. "May I ask why you two broke up? Again, you can totally not answer if you don't feel telling me about it."
"Differences." Simpleng sagot ko habang nakatitig lamang sa baso ng juice na hawak ko. Ngumiti ako ngunit yung tipid lang at tinignan na siya. I found him looking intently at me as if trying to read what's going on my mind. I made a face kaya natawa siya.
"It can't be fixed huh?" I took it as a statement so I didn't answer.
"Anyway, let's talk about you." Tinaasan niya ako ng kilay. Natawa ako dahil ang arte talaga ng kilay niya kapag gumaganyan siya.
"Ako na naman? Parang ilang araw na nating napag-usapan ang buhay ko. Simula ata ng ipanganak ako, nang maintindihan ko na ang mga bagay-bagay sa mundo hanggang sa ngayon naikwento ko na sayo." Tumawa ako ng tumawa. It's true tapos medyo sarcastic pa yung pagkakasabi niya kaya ako natawa.
"Sige na...baka naman meron ka pang nakalimutan ikwento sa akin alalahin mo na tapos kwento mo dali!" Pamimilit ko. Umiling siya nang nangingiti. I am just smiling at him.
"Wala na talaga. Naikwento ko na ang talambuhay ko sayo kahit ata pati yung nangyari sa akin kaninang umaga. Updated na updated ka!" Humagalpak na naman ako sa tawa sa sinabi niya and at the way he rolled his eyes on me. Kainis! Nakakatuwa siyang umirap. Lol!
"Ikaw nalang kasi magkwento mas interesting pala ang kwento ng buhay mo eh." Ngayon naman ay ako na ang pinipilit niya. Ngumuso ako at nang-aasar na umiling. Pareho kaming nagpapatigasan ng pagtanggi na magkwento. Ang kinalabasan ay ang naging topic namin ay ang pagpipilitan na magkwento ang isa't isa.
Inaamin ko na as days pass by that I get to spend it with him ay nagugustuhan ko. Para talaga akong bumabalik sa dati, iyong masasayang araw at simple lang ang mga bagay-bagay. I am loving this and I so can get used to this.
Ngayon masasabi kong I'm back to my old self. Ako na ulit ito, ang Tem bago ang lahat ng sakit. Yung Tem na may pangarap, palatawa, palangiti at iyong hindi nababalot ng takot at pagsisisi.
"Anong pangarap mo?" One night I asked him this while we were walking at the bayside. Hinaplos ko ang braso ko dahil medyo malamig na, nakita niya siguro iyon kaya ibinigay niya ang leather jacket niya sa akin. Napangiti ako sa kanyang ginawa and mumbled thanks.
"Pangarap ko?" Tinignan ko lamang siya habang nag-iisip siya. Maya-maya pa ay ngumiti siya saka bumaling sa akin. "Sa ngayon...wala pa muna. I got my dream nang makakuha kami ng offer for an album." Napatango ako sa sinabi niya. Naisip ko ulit magtanong.
"Paano kung hindi pa iyon natutupad? Paano kung nangangarap ka pa din hanggang ngayon for an album? What will you do? I mean, will you do everything para dyan sa pangarap mo?" Naglalakad pa din kami. I am looking down to where I'm walking. I don't know what's with my sudden question about dreams.
Siguro ay over time naging mas curious ako sa pangarap ng ibang tao at kung ano at hanggang saan ang kaya nilang gawin matupad lang iyon.
Natahimik kami ng sandali. Hindi agad siya sumagot tila nag-iisip pa ng malalim sa maaring sagot sa tanong ko.
"Oo." Nilingon ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin. But that's good kasi ayaw kong makita niya ang ekspresyong dumaan sa mukha ko. I felt it, I felt that pinch. And for a second, ang nakita kong nagsabi nun ay si Ted at hindi si Ted 2.
Hindi ko alam kung bakit ngunit siguro dahil pakiramdam ko iyon din ang isasagot at gagawin ni Ted knowing they are too similar.
"Siyempre gagawin ko ang lahat para sa pangarap ko." Dugtong niya pa. Tango lamang ang tanging naisagot ko. I can't comment anymore dahil naiisip ko nang tama talaga ang ginawa ko noon at wala talaga akong dapat pagsisihan.
Tama ang lahat ng desisyon ko dahil may mga taong nabubuhay dahil sa pangarap. Iyong hindi titigil hangga't hindi iyon natutupad. Yung tipo ng tao na katulad nito ni Ted 2, gagawin ang lahat para sa pangarap. At yung tipong parang ako, na gagawin din ang lahat para matupad ang pangarap na bumubuhay sa taong minahal ko ng sobra.
Lumipas pa ang ilang araw at lalong napapadalas ang paglabas namin ni Ted. Nasasanay na akong tawagin siyang Ted nalang without the 2. Ewan ko ba...bigla nalang kasi nawala iyong ilang ko sa pangalan niya as if wala nang epekto iyon sa akin. Kung ako ang tatanungin, in my not so expert opinion, masasabi kong nagamot niya iyong trauma ko sa pangalang Ted. Lol!
"Tem..." I looked up from my plate and saw him seriously staring directly in my eyes. "I like you." I felt my heart skipping a beat when he said that. It wasn't like a nervous beat but more of a joyful jump. Dear God!
BINABASA MO ANG
Love, Dreams and Regrets
General FictionI regret the day I chose my dreams over love. I always dreamed to love without having to regret that I did. Tem and Ted's story.