Nagkwentuhan kami. Hindi pala, sila lang. Nakikinig lamang ako or more like pretending to listen.
Iniisip ko kasi kung bakit Ted pa ang ipinalayaw sa kanya? I mean Theodore din daw ang name niya so baka pwede namang Theo nalang yung nickname niya sana di ba? Kaloka kasi! Kailangan bang parehong-pareho talaga sila?
Pinipilit kong kumalma at pigilan ang pagrehistro sa mukha ko ng mga tumatakbo sa aking isipan. This is such a cruel and unfair moment for me.
"So, stylist ka daw?" Nagulat ako ng kausapin ako ni Ted. Damn it! It really feels and sounds so weird! I'm gonna call him Ted 2. Napangiwi ako sa naisip, parang movie lang na may sequel. God!
"Oo." Simpleng sagot ko. No, please. Don't talk to me. May phobia na ata ako sa mga kagaya niyang Ted ang pangalan at rockstar ang datingan. Lol. Anong ata? Totoo na, confirmed! Phobia na nga ito.
"Pwede ba kitang i-hire? As you can see..." Itinuro niya ang sariling mga damit. "Kailangan ko ng expert opinion when it comes to outfits." Ngumiti siya na sinuklian ko din ng ngiti or maybe ngiwi. I don't know how my smile registered really.
"Uhm..." Wala akong masabi okay?! Honestly, ayoko talaga but it would be rude to decline. "Okay naman ang ayos mo ah. Rockstar na rockstar." It came out almost like a bullet train. And it didn't sound convincing at all.
Tumawa siya. My God! Why are you torturing me? Even his laugh reminds me of Ted's. Pumikit ako ng mariin ng ilang segundo.
"You are just being nice!" Tumatawa niyang sabi. Guilty naman daw ako. "Ang totoo niyan, I don't really care how I dress myself kung hindi lang dahil para sa photoshoot...Sabi kasi ng manager ko parang masyadong magulo ng ayos ko, madumi daw tignan." Napapakamot siya sa batok niya habang nagpapaliwanag halatang naiilang o nahihiya.
"Anong photoshoot? Model ka?" Tanong ko na ikinatawa niya.
"Hindi. Ako model? Asa naman ako." Turo niya sa sarili habang tumatawa. "Para iyon sa album cover namin, nakatanggap kasi kami ng offer for a recording from Ethereal Music."
Hindi ko na naman maitsura ang sarili ko. Takte! Album? Recording? Damn shit! Goodbye!
"You are a singer?!" It was too late to stop myself from showing any violent reaction. Tumingin na sa amin sina Jee and Collins sa pagkakasabi ko noon. Nagtataka man sa tono ng pagkakatanong ko ay sinagot niya pa din ako.
"M-may band kami..." Itinuro niya ang table sa may di kalayuan kung saan mayroong mga lalake at iilang babae. "Lead guitarist ako doon but sometimes I also do the vocals with our vocalist." Napatango na lamang ako sa kawalan ng sasabihin.
Sumali na ulit kami sa usapan nina Jee. Sige, sila-sila nalang ulit ang nagkukwentuhan. Sasagot lang ako kapag tinatanong. Hindi ko talaga kaya ang mga nangyayari ngayon. Maya-maya pa ay nagpaalam na si Ted 2 para sa segment nila.
Mataman at tahimik lamang akong nanood sa kanila. Babae ang bokalista at nag-duet sila ni Ted 2 sa dalawang kanta. They are good. They sound great.
"Ted is single, you know?" Nakangising pahayag ni Jee habang nasa set kami ng isang pelikula ilang araw makalipas ng gabing iyon.
"Break na sila?! But they were enga--teka, sinong Ted ba ang tinutukoy mo?" Natawa siya ng malakas sa naging reaksyon ko. Okay! Fine! I was confused alright?! Ang akala ko ay yung Ted ko ang tinutukoy niya.
Wait, what? Anong ko? Tem, sayo? Sayo talaga? Assumera! Asik ko sa aking sarili.
"Of course, si Ted na nakilala natin last Wednesday." Patudyo niyang sagot.
"Oh? Ano naman kung single siya?" Balewala kong tanong. Nakakahiya talaga yung sagot ko kanina. Nahahalata tuloy ako!
"Kapag si Ted na ama ng anak mo ang pinaguusapan, todo react! Pero nung si Ted na single na, waley!" Pang-aasar pa din niya. Tinignan ko siya ng masama.
"Hinihingi niya number mo sabi ni Collins sa akin!" Pahayag niya na para bang good news iyon.
"Anong meron doon? Masyado kang naglalagay ng malisya..."
"Ano? Kung hindi ka type nung tao bakit hihingin niya ang number mo?!" Wika niya na tila ba ang tanga kong hindi ko iyon naisip. "Ikaw nga. Hayan na oh! Grasya na ang lumalapit sayo! Single na single, walang buntis na fiancée. Move on ka na doon, sunggaban mo na ito girl!" Madamdamin niyang payo sa akin. Napairap ako sa mga sinabi niya. Nakakahiya talaga mag-isip tong babaeng ito!
"Gaga! Wala ngang malisya eh, nalaman niyang stylist ako kaya nag-offer siya ng trabaho sa akin! Kaya siguro gusto kunin yung number ko. Pwede ba?! Tsaka tigilan mo ako! Ted na naman, kumakanta na naman, ay huwag na! No thanks nalang!"
Natawa siya sa huling sinabi ko. "Oo nga no? Pansin ko din yun. Lapitin ka masyado ng ganyan." Tumawa na din ako, hindi dahil nakakatuwa kundi dahil nakakabaliw ang katotohanang iyon. Nananadya lang eh.
"Basta! Ibibigay ko pa din number mo ah?! Baka naman mas okay siya sa dati mong Ted. Baka hindi ka saktan. O..." Naexcite ang tono ng boses niya. "Baka siya na ang Ted na para talaga sayo. Destiny...ganon." Kinikilig pa siya nang sinasabi ito. Napailing ako. Nakakakilabot! Shet!
Siya na nga kaya ang Ted na destiny ko? Nagkamali lang ba ako doon sa dati? Umiling ako, ano ba naman itong pinag-iisip ko?! Lintek talaga ito si Jee! Kung anu-ano pinapasok sa utak ko. Ako naman, nagpapaapekto at nagpapaniwala. Ngumiwi ako. Wala! Erase...erase!
Kahit pa may destiny...kahit pa totoong may nakalaan nga sa akin na ibang tao parang hindi ko na iyon matatanggap sa buhay ko. Ngayon kasi masaya na naman ako, hindi ko na kailangan and I have had enough of a man. I went through a lot already, nakakapagod din at nakakatraumatized ang mga nangyari so if anyone would ask me. I'm okay with just myself and my daughter.
I can get by 'cause I got by just fine for the last ten years. But then, minsan kakainin mo din pala ang mga sinabi mo. Tama nga sila, huwag na huwag na huwag kang magsasalita ng tapos.
BINABASA MO ANG
Love, Dreams and Regrets
General FictionI regret the day I chose my dreams over love. I always dreamed to love without having to regret that I did. Tem and Ted's story.