Narinig ko mula dito sa kwarto ko ang pagsara ng pinto sa kwarto ni Tammie. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo para lumabas. Naabutan ko doon si Ted na akmang bababa na ng hagdan. Napalingon ito ng marinig ang paglabas ko mula sa kwarto.
"T-tulog na ba si Tammie?" Nangangatal kong tanong dito dahil sa pagkakailang at pagkakapahiya.
Nagkatinginan kami saglit bago ito tumango at tumalikod para siguro umalis na. Parang kinurot ang dibdib ko na hindi niya ako magawang tignan man lamang ng matagal. Yung tulad ng dati na kahit daw buong buhay niya akong pagmasdan ay hindi siya magsasawa. Masakit iyon. Bago ko pa napigilan ang sarili ko ay natawag ko na ito.
"Ted." Tumigil naman ito ngunit hindi ako nilingon. "P-pwede ba tayo mag-usap?" This time ay lumingon na ito.
"Talk? About what? About you and your lies?! You think I'd still listen to you after everything?" Mahina ngunit mariin ang pagkakasambit niya ng bawat salita. At ramdam na ramdam ko ang hinanakit roon. Nagsimula itong bumaba ng hagdan kaya ay sinundan ko ito.
"Please Ted. Pakinggan mo muna ako. I'll explain." Pakiusap ko sakanya. I can't take this burden any longer.
"Pakinggan? Please? Bakit? Noon bang nakiusap ako na huwag mo akong iwan pinakinggan mo ba? Noon bang nakaluhod ako sa harap mo ng umiiyak, naawa ka ba? Hindi di ba? Umalis ka at iniwan mo pa din ako. Sayo na yang explanation mo dahil hindi ko na yan kailangan ngayon." Malamig na turan niya.
Napayuko ako dahil sa sakit na dulot ng sinabi niya. Oo nga naman. Sino ba naman ako para humingi ng pang-unawa? Ako yung taong nanakit sa kanya at hindi na magbabago iyon. "How I wish I could turn back time." Naiusal ko ng malakas. Narinig ko ang mapaklang pagtawa niya kaya naman ay napatingin ako dito.
"Me too, to the time when I met you so I could have stayed away instead." Ang sakit. Ang sakit-sakit pero hindi ko mailabas iyon dahil ayaw tumulo ng mga luha ko. Para akong namanhid sa sobrang sakit. Nanatili akong nakatingin sa kanya ng hindi alam ang sasabihin. Umiling siya at nagsimula nang maglakad patungo sa pinto.
Doon ko nakuha ulit ang boses ko. "Sorry kung ganon. Sana nga hindi mo na ako nakilala para hindi na kita nasaktan. Sorry." Pinipilit kong magsalita ng hindi tuluyang bumibigay ang boses ko.
"I'm sorry too." Gulat na napatingin ako sakanya sa sinabi niya. "Sorry that I can't accept your apology now. Mahigit sampung taon mong itinago sa akin ang anak ko! Sampung taon ang nasayang! Ang sinayang mo para sa amin. Ang dami mong pagkakataon para humingi ng tawad sa mga taong yun pero hindi mo ginawa tapos ngayon hihingi ka? Ngayon pa kung kailan nasaktan mo na naman ako ng sobra?! Akala ko tapos ka na. Hindi pa pala. Nasisiyahan ka ba kapag nasasaktan mo ako, ha?! Then I hope you're happy now!" Rinig at ramdam ko ang hinanakit at galit niya sa akin. Hindi nawawala iyon sa bawat salitang binibitawan niya. Napayuko na lamang ulit ako dahil iyon lang ang tanging nagagawa ko ngayon.
"Gusto kong magkaroon ng karapatan sa anak ko. I want custody of my daughter and I'll have my lawyer work on that immediately." Namumutlang napatingin ako sakanya. No...
Doon na ako tuluyang napaiyak. "No, don't do this to me please. Hi-hindi ko naman siya ilalayo sayo. Hindi na. Pagbabayaran ko lahat ng kasalanan ko. I'll do a-anything just please wag mo lang kunin sa akin ang anak ko." Pagmamakaawa ko dito. This is the part I feared the most. Ang kunin niya sa akin si Tammie. She's already 10 years old and smart. I can no longer decide for her cause she is now capable of choosing between me and her father.
I was stunned when he smirked. "Anything?" Tanong niya. Natigilan ako at tumango. "Alright, madali naman akong kausap. Now, kneel."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "I want you to beg for it while kneeling." Napalunok ako at tsaka dahan dahang lumuhod sa harap niya. I can do anything for my daughter. I can swallow my pride for her.
BINABASA MO ANG
Love, Dreams and Regrets
General FictionI regret the day I chose my dreams over love. I always dreamed to love without having to regret that I did. Tem and Ted's story.