Michelle POV
"Ooh? San lamay?" Bungad ko kay Mika
"Sssh wag ka nga Mich kita mo na nga problemado yung tao" sita ni ate Abby
"Eh kasi naman ate sa halip na ganyan siya bakit hindi siya mag isip paano niya masusuyo si Ara babe"
"Nakakainis!!! Ang arte arte niya! Anong akala niya? Dalagang balingkinitan siya? Grrrr nakakainis" biglang pagwawala ni Mika
"Ay wala ito ate, baliw na"
"Hahaha Mika mukha kang tanga" kumento naman ni ate
"Asan kasi siya kanina pa ako tumatawag off phone niya. Kanina pa siya wala ate"
"Baka kasama ni Carol"
Eeeennggkk.. biglang bukas ng pinto
"Anong Carol? Bakit naman pati pangalan ko eh sinasali niyo?"
"O.a naman te? Akala lang namin kasama mo si Ara" tugon ko
"Hala hindi ah kanina ko pa hindi nakikita iyon e"
"Ooh eh asan na siya?" Pagmamaktol muli ni Mika
"Ano ba naman girl kanina pa tayo magkakasama, kami pa ba? Kami pa tatanungin mo? Pektusan kaya kita"
"Hoy tama na nga kasi yan tawagan na lang natin ibang team mates baka kasama nila" sabi ni ate Abby at kanya kanya kang tawag ngunit wala pa rin.
"Naiiyak na ako" nanginginig na sabi ni Mika
"Kanina pa naman e" tugon ko
"Mich ano ba? Manahimik ka na nga" masungit na sabi ni Carol grabe o.a mga tao dito ooh.
ARA POV
"tama na nga yan babe" habang inaagaw sa akin ni Kate ang bote ng alak
"Naiinis kasi ako"
"Alam ko pero wag ka naman maglasing hindi kita kaya"
"Pero--
"Walang pero pero buset ka, ang ganda ganda ng date ko tapos tatawag ka na parang end of the world na! iyon pala nagseselos ka lang? Hay naku Ara!" Inis na sermon niya
"Hindi mo kasi ako naiintindihan"
"Anong hindi?? Hoy Ara baka nakakalimutan mong sabay tayong nagmukmom noon? Dahil na rin sa ex-boyfriend kong walang kwenta tapos sasabihin mo hindi kita naiintindihan? Eh bakit ako ang tinawagan mo buset ka!"
"Wag ka naman sumigaw hindi ako bingi"
"Hindi ka nga bingi pero hindi ka naman nakikinig!"
"Oo na nakikinig na ako ano ba Kate"
"Haay! Piniperwisyo mo na nga ako galit ka pa"
"Hindi naman ako galit ang ingay mo lang talaga"
"Kasi naman Ara umuwi ka na sa dorm at magusap na lang kayo kesa nag aaksaya ka ng pera dito sa bar at nagpapakalasing pero hindi naman naayos ang problema mo"
"Mamaya uuwi din ako"
"Kelan? Pag gumagapang ka na? Swear Ara hindi kita bibitbitin sinasabi ko sayo!"
"Aouch naman hindi mo ba ako mahal? Papabayaan mo ako dito"
"Oo hindi!! kaya umayos ka"
Kate POV
minsan talaga gusto kong bigwasan tong si Ara kainis.
"Sinabi ko naman wag maglasing di ba?"
"Hi-ndi kaya ha-ko la-shing shi-no nagshabi la-shing ako?"
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanficPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...