Mika POV
"sorry Mika, hindi kita mahahatid over time ang practice namin"
"ok lang Keif kaya ko naman mag isa, sige una na ako ah?"
"oh sige magtetext ako after practice, mag ingat ka ha?"
"yup sige na baka malate ka pa"
"sige, i love you Miks"
"oo na, haha"
"wala ba akong goodluck kiss?"
"haha ewan ko sayo"
ngunit bigla niya akong niyakap
"isa lang pam pa inspire lang Miks"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
"o-h si-ge na good luck na i love you" nakangiting wika ko
"i love you too" at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin dahilan upang mapasinghap ako.
*tsuup*
Isang mariin ngunit marahang halik ang ibinigay niya sakin.
Nakakahiya man ngunit ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
"sige na umuwi ka na baka magbago pa isip ko hindi na kita pauwiin"
"haha baliw sige bye"
Habang naglalakad ako papunta sa dorm ay naalala ko ang halik na ibinigay na iyon ni Keif. Parang may mga nagwawalang paru-paro sa tiyan ko.
Doon ko rin naalala ang aksidenteng pag kakahalik ko kay Ara.
Oo sinabi kong wala ito sa akin ngunit ang totoo ay para akong nakuryente ng maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa mga labi ko.
Mali to Mika mali may Keifer ka na wag mo ng isipin si Ara.
Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita si Ara nakaupo sa kama kasama si ate Aby at Umiiyak??
Hindi nila naramdaman at napansin ang pagpasok ko dahil na rin sa busy sila sa paguusap kaya hindi na muna ako tuluyang pumasok.
"daughter ano bang magagawa ko para mawala na yang nararamdaman mo?"
"wala mother, ako na ang problema dito, sarili ko na hindi sila"
"oo nga pero palagi ka na lang umiiyak"
"wala naman yata ako pwedeng gawin kundi umiyak, nakita mo naman masaya sila sa isa't isa guguluhin ko pa ba?"
"mas mahihirapan ka na ngayon lalo na magkasama kayo sa iisang kwarto, hindi mo maiiwasan hindi siya makita, pano kung palagi mong maabutan na hinahatid siya ni Keifer ? e di masasaktan ka nanaman? tapos iiyak? My God daughter maawa ka naman sa sarili mo"
So tama nga ang hinala ko si Keifer ang mahal mo? Shit naman Ara bakit si Keifer pa. Nanghihina ako sa mga naririnig ko nangilid na ang mga luha ko pero pinipigil ko ito.
"Mahal na mahal ko siya mother, at ang sakit sakit na"
"John Loyd lang daughter?"
"mother naman, wooh ano ba ang dapat kong gawin? sa araw araw na iniiwasan ko siya mas lalo ko siyang minamahal, sa araw araw na pinapaniwala ko ang sarili kong mag move on mas lalo akong nasstock up sa nararamdaman ko" halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya sa sobrang pag iyak niya.
"doon ka na lang muna sa dorm ko tabi tayo ok lang naman yun sa ka room mate ko"
"pero pano si Mika mother? mag iisa lang siya dito ayoko naman maiwan siya mag isa"
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanfictionPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...