I Heart KaRa 14

367 9 3
                                    

MIKA POV

"Hun ok lang ba?" hindi mapakali na tanong ni Ara habang pumipili ng damit.

"naka ilang tanong ka na niyan?"

"kasi naman hun feeling ko ang pangit ng mga sinusuot ko" nakasimangot na reklamo niya.

"saan ka nanaman ba pupunta?"

"sa dorm nila Yesha hun, di ba ngayon yun?"

oo nga pala, last time ay nag paalam siya after nila gumawa dito sa dorm ng project ni Yesha.

FLASHBACK

Nakatanggap ako ng text galing kay Ara sabi niya ay mauuna na siya sa gym.

"ate Abby nakita mo si Ara?" ng makarating ako sa gym, halos lahat ay nandito na si Carol na lang at Ara ang wala

"kanina andito na siya girl baka may pinuntahan lang"

"ganun ba?"

"woi Mika girl tara bihis na tayo" aya sa akin ni Michie kaya naman sumama na ako sa kanya sa locker room.

Naghahanda na kaming lahat para sa warm up pero wala pa rin sila Ara.

"asan na kasi yun?" bulong ko sa sarili

"girl babalik din,,oh hayan na pala eh" at napatingin naman ako sa bandang pinto ng gym ganoon na lang ang panlulumo ko nang makita ang kasama niya.

Agad siyang lumapit sa akin.

"hi daks kanina ka pa?" sabay halik sa pisnge ko

"hmm" tipid na ngiti ang tugon ko

"sinama ko pala si Yesha kasi naghihintay na kagad siya sa café so naisip ko mas ok kung dito siya sa loob buti pumayag si coach" mahabang paliwanag niya

"ah ganun ba? hi pala Yesha" mahinahong bati ko

"hi Mika, hi din sa inyo ate Abby, Mich" todo ngiting bati nito, aaminin ko ang cute niya talaga kapag nakangiti siya.

"Yesha dito ka na muna sa bench umupo mag sstart na kami, ok lang ba?"

"Yeah sure ok ako don't worry"

"Sige"

Every break time ay lumalapit si Ara kay Yesha para kamustahin samantalang hindi man lang niya ako tanungin kung ok ba ako o pagod na ba? Nakakainis

"Girls, next week na lang ulit ang practice ok? Alam kong busy kayo dahil mag eend na ang semester"

"Thanks coach" sagot naman ng grupo

"Oh siya sige mag si uwi na kayo"

"Mga Te mauna na ako huh? May lakad kami ni boyfie" paalam ni Michie

"Ako rin may lakad din ako" si Carol

"Eeee di kayo na!!! Kayo na may mga lakad!!" Sigaw ni ate Abby

"Hahah babusssh" natatawang pang asar naman ng dalawa

"Bye ingat kayo" tugon namin nila Ara

"So pano? Tara?" Sabay tingin sa akin ni Ara

"Hep hep hep? Saan kayo?" Singit ni ate Abby

"Sa dorm mother sama ka?"

"Ok lang? Wala kasi akong gagawin"

"Oo naman gagawa lang kami nung project ni Yesha"

"Talaga? Waah gusto ko manood sama ako"

"Sure ate Abby malay mo makatulong ka sa ideas di ba?" Magiliw na sabi ni Yesha natahimik naman ako.

I Heart KaRaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon