ARA POV
"mother talaga bang mali ako?"
"Ano ba ang sa akala mo?"
"Kasi naman, bakit ba siya magseselos eh kaibigan lang naman talaga ang tingin ko kay Yesha"
"Haay naku ang tigas ng ulo mo kanina pa tayo paulit ulit dito"
"Hindi ko kasi siya maintindihan e"
"Puntahan mo kasi at mag usap kayo para maintindihan mo"
Tumahimik ako subalit narinig ko na lang na nagsasalita na si mother
"Ooh sige diyan lang kayo kapag dumating siya diyan pumunta ka na dito ok?" At nakita kong ibinaba niya ang telepono, kaagad siyang bumaling sa akin
"Oh bakit?"
"Punta ka sa dorm"
"Huh?"
"Puntahan mo sa dorm, magusap kayo sige na go!" Habang tinutulak niya ako
"Teka teka mo--
"Gusto mo mag kaayos kayo o hindi?"
"Gusto"
"Ooh yun naman pala siya sige lakad!"
Napakamot na lang ako at tuluyan umalis upang puntahan siya.
Nang makarating ako sa dorm agad kong nakita ang pulang pula niyang mata. Malamang ay dahil iyon sa pag iyak niya. Agad namang nagpaalam si Mich tulad ng napagusapan nila ni mother.
"Hey" lapit ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
"Usap tayo oh" pagsusumamamo ko ngunit nanatiling tiim ang kanyang mga labi.
"Balita ko nagseselos ka daw? Totoo ba yun? Kaya ka ba ganyan?" Mahinahong sabi ko.
"Hun?" Tinapik ko ng marahan ang kanyang balikat ngunit hindi niya talaga ako pinapansin
"So ganito na lang tayo? Hindi na natin paguusapan pa? Hahayaan na lang hanggang sa bukas makalawa hiwalayan na?" Nakita kong tumungo siya na tila ba ay pinipigil ang nararamdaman niya.
"Sa totoo lang naman hindi ko alam bakit nagseselos ka? E wala ka naman dapat ipag selos dahil unang una, hindi siya ang mahal ko, hindi siya ang gusto ko. Kundi ikaw, ikaw lang naman e"
Doon ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang mga luha. Inangat ko ang kanyang mukha at saka marahan na pinunas ang kanyang nga luha."A-ayaw ko rin naman ng ganito--
"Wala naman may gusto hun"
"S-so-- I'm sorry"
"Shhhh wala ka naman kasalanan eh masyado mo lang akong mahal" biro ko at todo ngiting wika ko.
"WOW AAH!! Kapal mo rin Ara!" Tila ba hindi siya sang ayon sa sinabi ko haha umiiyak tapos mambabara nice!
"Haha oooh so pwede ngiti ka na? Sige na hun mas bagay mo ang mag smile" kumbinsi ko sa kanya.
Hindi naman ako nabigo at hinayaan niyang lumabas ang natural at simpleng ngiti sa mga labi niya.
"Hun next time kausapin mo ako aaah? Wag yung wala kang kibo wag iyon tahimik ka, mas gusto ko pa na dumada ka ng dumada kesa sa ganito"
"Susubukan ko hun"
"Kaya mo yun hun, isipin mo palagi mahal kita, mahal mo ako at hindi simpleng problema ang tatapos sa kung anong pag mamahal meron tayo"
"Hmmm gagawin ko lahat, masyado lang akong selosa sorry na"
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanfictionPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...