MIKA POV
Who would have thought na magiging ganito kami ni Tomsy? I mean, yung kinakatakutan ko na pamilya ko ay parang unti unting nagiging kakampi namin sa laban na haharapin namin ni Ara.
Sa konting oras na nagstay kami sa bahay nakita ko kung paano niya minamahal ang pamilya ko, kung pano niya nirerespeto at pinapahalagahan ang bawat isa sa pamilya ko.
Flashback
"sipag rin ni ate Ara nuh Kuya?" biglang sambit ni Miko habang nanonood kami dito sa sala.
"nature naman niya yun malayo sa nature ng ate Mika mo"
"ay grabe ako nanaman, bakit hindi na lang si tomsy gawin niyong kapatid mahal na mahal niyo ee" biro ko
"haha kapatid naman na talaga namin si Ara matagal na pinalitan ka na niya hindi mo pa ba alam?" pang aasar ni Kuya
"sama mo kuya" nakapout kong sabi
"Pero natutuwa ako sa kanya Ye, sa lahat ng dinala mong kaibigan siya talaga ang tumatak samin nila mommy mo. Masyado siyang mabait kahit na.." nakangiting sabi naman ni Papsi
"kahit na??eh kaya nga mahal ko papsi e" hindi ko alam bakit ko biglang nasabi yun bigla akong kinabahan sa magiging reaksyon ng mga kapatid ko.
"oo at feel na feel mo nga pag ka inlove kay ate Ara e" si Miko
"ha??? anong ano-- nauutal na sabi ko
'kagulat naman kasi tong si Miko'
"sus wag ka nang denial halata naman sa inyong dalawa e" si Kuya
"hala ano ka-kasing--
"nauutal guilty siya ooh" lalo pang aasar ni Kuya
"papsi oooh" pagsusumbong ko waaah pakiramdam ko lahat ng dugo ko nasa mukha ko na.
'nakakahiyaaaa'
"Kahit di mo sabihin ramdam namin tulad nga ng sabi ko sayo wag lang ang mommy mo ang masasaktan, nakikita ko naman kasing masaya ka kaya tinatanggap ko nak pero hindi ibig sabihin ay pwede na" malumanay na paliwanag ni papsi
"Papsi naman eee, naiiyak tuloy ako" yun kasing mafeel mong tinatanggap ka yung alam mong nag eeffort yung pamilya mong intindihin ka, haay sana si mommy rin maintindihan kami.
"Eh ano bang balak mo Ye?" Biglang seryoso si kuya
"Paglaban ko mahal ko e"
"Kaya mo? I mean, hindi madali yan pareho kayong babae at panghuhusga ang unang una na makakalaban niyo"
"Wala naman akong pakialam sa ibang tao e ang pakialam ko pamilya ko at pamilya niya yun lang"
"Basta ate Mika boto ako kay ate Ara super bait niya at mapagmahal" si Miko
"Tingin mo ba worth it si ate Ara?"
"Oo naman para sakin aah, kung malaki na nga ako e di ako na lang manliligaw sa kanya haha" pag bibiro nito
"Anak, makinig ka sa sasabihin ko." Tumitig sa aking mga mata si papsi at hinawakan ang aking mga kamay
"Mahal kita at tanggap kita sa kung ano at sino ka, hindi ko lang makakaya kung ikaw ang masasaktan kung kayo ng pamilya ko ang masasaktan at madedehado. Kaya pinoprotektahan ko kayo, sana maintindihan mo kung bakit hindi namin basta basta maibigay ang suporta sa inyong dalawa dahil kinabukasan pa rin naman ninyong dalawa ang isinasa alang alang namin" sinserong pahayag ni papsi dahilan upang tuluyan bumagsak ang mga luha sa mga mata ko
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanfictionPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...