MIKA POV
This is it !!!grabe yung kaba ko habang nagbabyahe kami papunta sa Bulacan.
"Baby seryoso ba? Sabi mo kasi uuwi ka kela mama mo e bakit Bulacan?"
"Ipagpapaalam kita kay tita bago tayo pupunta sa Pampanga" nakangiting sabi niya
"Waah e ano ipapaalam mo? Baby please wag ngayon wag muna" takot kong pahayag
Hindi pa ako talaga handa huhu.
Hinawakan niya ang mga kamay ko ng mahigpit at sinabing,
"Relax basta magtiwala ka sakin aayusin natin lahat ok?" Ngumiti na lang ako kahit ang totoo sobra akong kabado.
Natatakot ako talaga sa pwedeng mangyari baka magkalayo pa kami ni Ara hindi ko talaga kaya.
"sleep ka muna daks gigisingin kita mamaya"
"Sure ka?"
"Hmmm sure sige na pahinga ka na"
ARA POV
Alam ko naman kinakabahan siya at natatakot siya pero kelangan kong simulan ang pag laban para samin dalawa, kahit ako naman ay natatakot at kinakabahan pero kakayanin ko para sa kanya. Nakangiti akong pinagmasdan siya 'hay akalain mong sayo ako maiinlove ng ganito?' Nasabi ko sa isip ko.
Nang makarating kami sa tapat ng gate ng bahay nila at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko mas lalo akong kinabahan.
"Woaah Lord kayo na bahala" bulong ko sa sarili ko.
"Tomsy.." At tumingin siya sa mata ko
"Relax ok? Tara?"
Nang makapasok kami ay agad napansin ni tito ang pag dating namin.
"Ooh Ye? Ara? Bakit bigla kayong umuwi? Pasok pasok" tumayo siya at iniwan ang pinapanood niya.
"Hi tito goodmorning po" agad akong nag mano sa kanya
"God bless nak"
"Hi papsi miss ko kayo kaya andito kami" nakangiting sabi ni mika at yumakap sa papsi niya
"Suss bolera, teka tatawagin ko si mommy mo"
Umalis ito at umakyat sa kwarto.
"Ateeeeeee!" Sigaw ni Miko grade school pa lang ito tulad ni Mikole ang bunso nila.
"Hi Miko kamusta tangkad natin aa" bati ko habang pinat ko ang ulo niya.
"eto ate Ara binata na haha"
"asus may nililigawan ka na? naunahan mo pa ako?" biro ni Mika
"hindi ahh ako pa ba? bait ko e"
"haha lakas natin bro eh asan si Mikole?" singit ko naman
"tulog pa ate Ara gisingin ko ba?"
"aaah wag na hayaan mo na lang muna di ba daks"
"oo magagalit yun sayo haha" natatawang sabi ni Mika
"oo ate manang mana sayo ang sungit pag usapang tulog"
"grabe naman hindi ako masungit aah" depensa nito
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanfictionPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...