Mika Pov
"A-ang U-unfair niyo" sa puntong iyon para akong binhusan ng malamig na tubig,
what have i done."Ara"
"Hayaan niyo na muna sumobra naman kasi talaga tayo sa kanya nakalimutan nating nasaktan din siya, nasasaktan din siya" pigil sakin ni Kim.
"S-sorry Mika ayaw ko na lang m-masaktan ka, noong umiiyak ka akala ko balik nanaman tayo sa dati kaya natakot lang din ako" umiiyak na sambit ni Cams nilingon ko silang lahat.
Tumingin lang ako sa kanila at muli kong inihakbang ang aking mga paa ngunit pinigilan muli ako ni Kim
"Ye lasing ka hayaan mo na muna si Ara baka mas hindi maging maayos kung susundan mo na siya" hinawakan ko ang kamay na ngayon ay pumipigil sakin na habulin ko si Ara.
"Hayaan niyo akong habulin siya, hayaan niyo ako mismo ang umayos ng problema" at naramdaman kong bumitaw na siya.
Agad akong tumakbo palabas, inaasahan kong sa puntong iyon nakaalis na siya pero nagulat ako ng makita kong nakatayo siya at nakaharap sa may kotse niya, nakapatong ang ulo at nakapamulsa tila ay iyon ang naging sandalan niya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at walang pag aalinlangang ibinalot ko ang aking mga bisig sa bewang niya. Ilang segundo o marahil ay minuto ang itinagal namin sa pwestong iyon at ramdam ko ang patuloy na pag iyak ni Ara.
"hey I'm s-sorry" malumanay na wika ko pero wala akong natamong tugon mula dito.
"I know and I admit I'm too scared to love you again, I'm too scared to give chance for us kasi ayaw ko na ng pain, but you were right lahat ng tao including me, I mean specially me, masyado akong focus sa sarili ko na nakalimutan ko yung nararamdaman mo. I'm sorry if I felt jealous sa kanina kaya umiyak ako, sorry kung nasaktan akong makitang masaya ka kasama ang iba, tama ka naman eh hindi mo ginusto lahat ng nangyayari satin pero bakit parang ikaw yung pinaparusahan ko, bakit parang ikaw ang nagsusuffer sa consequences na hindi mo naman ginusto. I'm really sorry Ara masyado lang kitang mahal na umabot ako sa puntong natakot ako ng sobra"
Ilang segundo pa ang lumipas ng gumalaw siya at kusang kumalas sa pagkakayakap ko. Marahan siyang humarap at tumitig sa mata ko.
"Kahit kailan hindi ako naghangad ng iba, hindi ako nagmahal ng iba, ikaw lang Mika tingin ko nga ay isang daan pursyento and naibigay ko sayo na halos wala ng matira para sa sarili ko. Hindi ako nagrereklamo hindi rin ako nanunumbat sayo o sa mga kaibigan mo pero Mika sobrang sakit na, ang sakit sakit na" Hindi ko alam pero para akong natunaw sa mga tingin niya parang nadurog ng paulit ulit ang puso ko, parang hindi ako makahinga sa lahat ng narinig ko.
Sobrang nasasaktan ko siya.
"Siguro mas maganda kung hayaan na lang kita, kung pakawalan na lang kita kasi narealize ko na tama sila 'Love is not enough'. Hindi ibig sabihing mahal mo ako at mahal kita ay ganoon kasimple at kadali satin kasi hindi naman di ba?" hindi ko magawang sumagot tanging pagtitig lang sa mata niya at ang pananahimik ang pinairal ko.
"sana ganon kasimple para hindi na kita nasasaktan para hindi na tayo nagkakasakitan""A-Ara p-please" pagsusumamo ko
"Mika tama na, baka nga hindi ako yung para sayo baka nga hindi talaga tayo"
"P-pero nangako na tayo di ba? Noon palang nangako na tayo, tayo lang Ara. Please Ara babawi ako, ako naman ang babawi sayo" pagmamakaawa ko.
"Mika hindi ito bilangan ng kasalanan o pagbawi hindi ganon ang pagmamahal ko sayo. Wala akong basehan at sinusukat kaya please Mika tama na, hayaan na lang natin ang isa't isa. Siguro kaya hindi rin tayo nakamove on dahil hindi naman tayo nagkaroon ng maayos na hiwalayan noon kaya ngayon mabuti sigurong itigil na natin lahat to sa maayos na paraan. Itigil na natin lahat ng nararamdaman natin para sa isa't isa. Magsimula ka ng panibagong buhay na hindi ako kasama, magsisimula din ako ng panibagong buhay na wala ka."
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanfictionPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...