I Heart KaRa 3

354 7 3
                                    

MIKA POV

*Clackk* tunog  ng pinto matapos ko iyong  buksan. Kaagad kong iginala ang aking   mga mata para tingnan kung anong ginagawa niya. 

pero ayun mahimbing  na natutulog.

"Tomsy?" mahinang  tawag ko sa kanya umaasa akong   gising  pa siya.

"Wuuy Tomsy???" ngunit  nabigo ako, mahimbing at malalim na ang tulog niya.

"Hay, nagtatampo pa naman ako sayo, dati rati kapag nagkakasakit ka ako lang ang gusto mong kasama, ako yung gusto mong mag alaga sayo kaya nagulat ako kanina mas pinili mo pa si ate Aby, Pero siguro nga hindi ako dapat masyadong mag assume at umasa dahil may mahal ka ng iba. Sana kasi..."

Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko bagkus ay nagayos na ako at tumabi sa kanya.

KINABUKASAN

o_o

o_o

Pagmulat ng mata ko ay mag isa na lang ako, 

Asan ka Tomsy?

Kaagad kong tiningnan ang CR umaasang naliligo siya pero wala siya dito.

"Tomsy???" sigaw ko ngunit walang sumagot sakin, natigilan ako ng may napansin akong NOTEs sa pinto ng Ref.

~Daks~

Mauna na ako, may dadaanan pa ako, kita na lang sa practice, hindi ako sasabay ng lunch Ingat.

Bigla kong ibinagsak ang katawan ko sa kama, Nakakapanghina naman to, hindi naman kami ganito dati, ginigising niya ako bago siya umalis kahit malalate na siya ginigising niya ako, maaga man o hindi ginigising niya ako, SIYA ang kauna unahang tao na nakikita ko bago pa man magsimula ang araw ko. Anong nangyari?

T_T

nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.

Nasasaktan ako.

T_T

----------

LUMIPAS PA ANG MARAMING ARAW

Marami na talagang nagbago, si Keifer na ang parati kong kasama, siya na ang nagpapasaya sakin, siya  na ang gumagawa ng dating ginagawa sakin ni Ara, speaking of, Ayun siya masayang kasama sila ate Aby, Carol at Michii. Habang ako heto kasama si Keifer at ang barkada niya.

"Mika, gusto mong kumain?" tanong ni Keifer

"ahh oo sige ok lang"

"so tara?doon na lang tayo sa malapit dahil magsisimula na rin ang practice"

I Heart KaRaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon