MIKA POV
Sobrang laki ng problema ko sa sinabi sakin ni Michie, hanggang ngayon kasi palaisipan pa rin sa akin ang makahulugang salita na binitiwan niya.
Tumingin ako sa orasan at 10:15 pa lang ng gabi pero hindi na talaga ako mapakali kung ano ba ang nilalaman ng kahon na to.
Kaya naman napagpasyahan kong buksan na ito.
O_O
"Seryoso?" Mahinang sambit ko.
Nagulat lang naman ako sa laman ng kahon na ito, isang Hoodie na GAP color gray, nakita ko ito sa isang mall habang nag gagala ako noon, wala pa lang akong budget kaya hindi ko nabili. Limited edition ito kaya noong balikan ko wala na dahil marami rin ang may gusto sa hoodie na ito."Grabe iniyakan kita ng isang buong gabi tapos may magbibigay lang sakin?" Pagmamaktol ko at biglang bumalik akon sa realidad
"Teka? Pa-nu niya nalaman?" Takang tanong ko sa aking sarili.
"Sino ba kasing "always" ang nagpadala nito tsk"
Marahan kong inilapag ang hoodie sa aking kama, kukuha sana ako ng pagkain inumin ng mapansin ko ang isang puting papel na nakalabas sa bulsa ng hoodie. Agad ko itong kinuha at binuksan./Mika/
I knew it, medyo impatient ka talaga wala pang 12 o'clock binuksan mo na. Well anyways, i just want to give you my simple present alam ko kasing depressed ka this past few weeks and I'm hoping for you to appreciate it. See you soon .
/Always/
"Tsk eto nanaman tong always na to! Buset"
Kumuha ako ng inumin at bumalik sa kama.
Hindi ko na namalayan at nakatulog ako.Zzzzzzzzzzzz...
KINABUKASAN
Maaga akong nagising kaya naman marami akong oras para sa pagaayos at pagkain. Dahil tinatamad akong magluto, "haha oo na si Ara kasi lagi nagluluto" eh kakain na lang ako sa labas.
Nang matapos akong mag ayos ay dumeretso ako sa isang Café."Goodmorning ma'am. Can i have your order please?" nakangiting bati ng crew at sinuklian ko rin ng matamis na ngiti.
"Goodmorning, ahm! 1 latté and heart french bread"
"Ma'am to go?"
"Nope"
"Ok ma'am coming up"
"Thanks" at naupo ako sa pang dalawahang tao na malapit sa pinto. Habang naghihintay ako ay naisipan kong mag soundtrip.
NP: KUNDIMAN 🎧
(Play multimedia)🎶🎧Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
nandito lang ako
laging umaalalay
hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw....🎶🎧🎶🎧Hindi naman nagtagal ay nai serve na ang order ko. Ang hirap ng ganito kahit anong ginagawa ko eh siya pa rin ang naiisip ko.
Kahit anong pilit kong hindi ka isipin naiisip pa rin kita. I miss you Ara, i miss you tomsy! 😔
Hindi na rin ako nagtagal sa café. Ngunit bago ako makatawid sa kabilang kalye ay may napansin ako.
"Ara!?" Bulong ko
Nagmadali ako naglakad patungonsa tawiran ngunit sa kamalasan inabot ako ng Red light."Sh#*, wag naman ngayon" dahil wala akong ibang magagawa kundi maghintay ay nagdasal na lang ako na sana siya nga iyon sana!
>_> <_<
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanfictionPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...