MIKA POV
Sa puntong ito pakiramdam ko nawala lahat ng sama ng loob ko, pakiramdam ko nabuhay muli ang pagmamahal ko sa taong kaharap ko, at hindi ko gustong nakikita siyang nagkakaganito.
"S-sorry baby sorry" muli niyang sambit, tuloy ay hindi ko alam ang nais kong sabihin. Natatakot akong magkamali ng salitang bibigkasin.
"I'm really sorry for hurting you too much" nanatili akong nakatitig sa kanya habang hinahayaan kong bumagsak ng aking mga luha. Nararamdaman ko naman na sincere ang mga sinasabi niya nakikita ko rin sa mga mata niya.
"Please give me another chance alam kong hindi pa rin nawawala ang katotohanang mahal mo pa ako, please Ye"
"I talk to you because I want to have a closure pero pano? Pano natin macoclose to kung ganyan ka?"
"Then don't, we don't need to close it daks"
"What then??" Kunot noong tanong ko,
"chance, daks give me another chance instead" mas lalo akong tumitig sa kanya
"Seriously?"
"I'm damn serious Ye"
Haaaaaaaay bakit ba ganito? Akala ko ba wala na akong feeling? Akala ko ba? Bahala na nga
"Pero hindi naman ganoon yun kadali Ara"
"Please Mika, lahat naman ng tao deserve magkaroon ng chance di ba?"
"Hindi kasi alam kung handa na ulit ako"
"Then assess yourself habang bumabawi ako sayo" nanatili akong nakatitig sa kanya ng muli siyang magsalita
"Hindi kita pipilitin, hindi kita mamadaliin hindi rin ako mag eexpect na sa huli tayo pa rin, hahayaan kong magkaroon ka ng time para maisip at malaman kung ano pa ba ako sa buhay mo? Kung may puwang pa rin ba ako sa puso mo"
'Haaaay Mika. Bakit ba ako dumating sa point na ganito nakaka pressure aah'
"Tss Okay, I'll give what you want but if this doesn't work maybe we're really not meant to be" malumanay kong tugon at muli niya akong niyakap.
'Maybe i need this? We need this, kailangan namin malaman dalawa kung ganoon pa rin ba yung worth namin para sa isa't isa'
"Thank you so much daks thank you baby sobra kitang namiss!!!!" Todo yakap pa rin siya
"But not the way you think Ara" nakita kong natahimik siya at tila nagulat pero agad siyang nakabawi
"hindi ba pwedeng tomsy na lang ulit?"
"kaya nga sabi ko hindi tulad ng iniisip mo, oo bibigyan ko ng chance na maging close ulit tayo pero hindi sa tulad ng dati. Tulad ng sinab ko sayo marami na ang nagbago kaya naman hindi ko masasabi kung kaya ko pa rin maging ganoon sayo"
"naiinitidihan ko" malumanay niyang sagot
"but you can call me daks, wag lang baby kasi hindi mo ako girlfriend"
"aray aah oo alam ko naman hindi kita girlfriend kailangan talaga mahighlight pa!" napairap siya
"ang pogi mong tao tapos iirap ka? hahah ang pangit ah!" dinaan ko na lang sa biro ang momentum naming dalawa.
"waah namiss kita daks" at agad akong niyakap
"Baet aray medyo mahigpit ang yakap pakiluwagan"
"Pag niluwagan ko kasi ang yakap baka mawala ka ulit daks" nakanguso niyang tugon
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanfictionPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...