MIKA POV
"Ohh Camille andito ka?"
simpleng tanong, mahinahon na tono at mahinang boses ngunit para akong nabingi ng marinig ko iyon, hindi ako magkakamali isa lang ang nagmamay ari ng boses na yun.
"aaa-aaah tita" alam kong nagulat si Cams tulad namin. Agad kaming nagsipag tayuan at inayos ang kanya kanyang sarili.
"Tomsy" bulong ko kay Ara pero ngumiti lang siya at simpleng pinisil ang kamay ko.
"bakit parang gulat na gulat ka?"
dumeretso naman si Mommy sa loob at agad kaming hinarap.
"Mommy?" medyo kinakabahan pa ako ng tawagin ko siya noon.
"T-tita" lahat sila. Ramdam ko ang kaba ng bawat isa, hindi ko alam ang sasabihin ko ang gagawin ko, natatakot ako.
"Anong meron?" agad niyang tanong habang tinititigan ang buong kwarto at agad bumaling sakin.
"Mika? sinong nagdate dito?" alam kong nagtataka talaga siya, sa porma ng dorm namin ngayon ay mahahalata mo talagang may romantic scene na nangyari. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na para bang nagpapatulong ako sa kanila dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko kahit sasabihin ay hindi ko maisip kung ano, masyado akong kinakain ng kaba at takot ko sa sitwasyon na to.
"aaah tita kasi kami yan samin yan ni Vince" singit ni ate Abby
"Vince? sino yun?" takang tanong ni mommy
"aah boyfriend ni ate Abby yun tita nagpatulong lang samin si ate kasi monthsary nila di ba wafs" nakangiting sabi ni Kim at siniko pa si Ara
"aah opo oo tita" sabi naman ni Ara na pilit ang ngiting lumalabas sa labi niya.
"eh bakit dito sa dorm ninyo Mika?" baling sa akin ni mommy
"eeh kasi tita inoffer namin yun kay mother para may privacy di ba Daks?" sagot muli ni Ara
"o-oo oo ganun nga" sabi ko naman
"eh bakit wala yung Vince?"
"aah tapos na tita kami naman ang nagpaparty party" sagot naman ni Cyd
"eh bakit para kayong nakakita ng multo? takot na takot kayo ng dumating ako? may ginagawa ba kayong kalokohan?"
"naku wala po tita"
"hala wala tita aah"
"wala mommy"
Kanya kanya kaming sagot matatawa ka siguro sa mga mukha namin pero talagang nakaka kaba ang oras na to.
"Ohh siya sige sinundo ko lang si Mika---
"huh?? ngayon mommy? bakit?" biglang singit ko
"gusto ng papsie mo umuwi ka muna"
"bakit daw?"
"ayaw mo ba? bakit parang ayaw mo? eh talaga naman sinusundo kita minsan kapag naisip namin ng papsie mo, bago pa ba sayo to?"
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanfictionPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...