I Heart KaRa 25

161 9 2
                                    

KIM POV

Isang buwan na rin ang nakakalipas mula ng ihatid namin si Vic sa airport. Hindi na rin kami nagchampion dahil malaking kawalan ang isang Ara aaminin ko. Pero kahit ganoon ay worth it pa rin lahat ng sacrifices ng bawat isa. Mas tumatag kami at lumakas alam kong makakabawi kami nagtitiwala ako.

Pero kung iisipin sa totoo lang, ang nangyari sa mga kaibigan ko, kay Mika at Vic? parang kami yun nasasaktan, parang kami yung nabibigatan, sobrang apektado silang dalawa na dahilan upang maging malaki rin ang epekto saming mga tao sa paligid nila. Simula ng araw na umalis si Vic nawala ang sigla ni Mika, mas pinipili niyang nasa kwarto. Nahilig din siyang mag basa ng libro. Tulad ng natutunan ni Mikole kay Vic. Hindi man namin nakikita pero alam namin gabi gabi pa rin siyang umiiyak. Kahit nanatili ang communication namin ni Vic mas minabuti niyang wag nang ipaalam sa kahit na kanino ang tungkol doon. Mas makakabuti daw kung wala na talagang ugnayan sa kanila ni Mika. Ako na lang pinagkatiwalaan ni Vic dahil alam niyang kaya kong panindigan ang desisyon niya kapag kasi sinabi niya pa ito sa kambal ay alam niyang hindi nila matitiis si Mika. Hindi naman sa tinitiis ko, (pero parang ganoon nga) kaya lang kasi may dahilan naman. Mas kailangan nilang mamuhay ng magkaiba ang mundong gagalawan, mamuhay ng wala sa piling ng isa't isa, magsimula ng panibago na naaayon sa plano.

FLASHBACK

Muntik na kaming malate dahil sa traffic mabuti na lang at medyo nadelay ang flight ni wafs.

"Wafs mag iingat ka doon aah? Message mo ako or skype tayo"

"Sure wafs" napansin ko naman na umiikot ang paningin niya sa kabuuan ng lugar.

"Wag mo nang hanapin ayaw niyang makita kang aalis" biglang sabat ni Cams nakita ko naman ang lungkot sa mata niya kaya agad kong siniko si cams.

'Hard talaga neto ni cams walang patawad'

"Ee kasi naman kami na lang pansinin mo haha" dinaan niya sa biro

"Ooh siya pano mga anak mauuna na kami aah? Salamat sa pag sama niyo samin" paalam ni tita para rin maputol na ang drama effect ni Wafs

"Sige po tita ingat kayo doon sana po ay mabilis gumaling si Vic" sabi naman ni cienne

"Salamat iha, paano? Magpaalam ka na Ara sa mga kaibigan mo pipila na ako ha? Hintayin kita doon." Tsaka isa isa kaming hinalikan sa pisnge ni tita at niyakap ng matapat sakin ay may binulong siya.

"Ikaw na muna bahala kay Mika ha? Asahan kita Kim" at saka siya ngumiti. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.

"Pano Vic? Wag ka mambabae doon aah" sabi ni Cyd

"Ako pa ba?" Biro neto

"Oo ikaw pa malingat lang ng sandali may naka kabit na sayong higad haha" biro ko

"Wafs wag moko igaya sayo hahaha" tawa naman niya

"Uuy basta babalik ka aah walang kalimutan Vic!!huhu mamimiss kita" at niyakap siya ni Cienne

"Mamimiss ko rin kayo ingat ka palagi wag masyado awayin si Wafs haha"

"Hindi naman e siya nga nang aaway sakin" sagot ni cienne

I Heart KaRaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon