I Heart KaRa 12

333 9 9
                                    

Mika Pov

Minulat ko ang mga mata ko, ngunit wala na si Ara. Tumayo na ako upang mag ayos,

"Siguro pumasok na siya"
Habang nagtutupi ako ng kama ay napansin ko ang note sa ibabaw ng side table

/hunnie, mauuna na ako maaga ang klase ko ngayon may pagkain sa mesa kumain ka before pumasok kita tayo lunch balik ka dorm ok? I love you text me. see you later/

"Ara talaga." napangiti naman ako.

Agad akong naligo at nagbihis pagkatapos ay kumain na ako at pumasok.

"Girl?" Nakasalubong ko si ate sa hallway.

"Oh ate Abby?"

"Asan si daughter?"

"Maaga pumasok ate"

"Ahh ganun? May favor kasi ako"

"Ano yun ate?"

"Kasi yung friend ko magpapaturo siya mag drawing need sa project nila eh si daughter ang alam kong magaling"

"Ah ganun ba ate? Gusto mo sabihin ko na lang?"

"Ok lang ba girl?"

"Oo naman ate"

"Sure?"

"Oo ate basta ok sa kanya e"

"Waah thank you girl see you na lang lunch sa canteen ok?"

"Ohh sige ate"

"Sige babye pasok na ako ingat ka ok?"

"Thanks ate".
Dumeretso naman ako sa room at nag text kay Ara.

Msg To:
/hun, classroom na ako, nagkita kami ni ate Abby may favor daw siya sayo/

Maya maya pa...

1msg recieved
Hunnie ko
/oh? Kumain ka ba? Kamusta tulog mo?... Ano sabi ni mother? Anong favor hun?/

Msg To
/may friend daw siya papaturuan niya sa'yo mag drawing/

1msg recieved
Hunnie ko
/ganun ba? Kelan daw hun?/

Msg To
/later, lunch kita na lang daw sa canteen/

1msg recieved
Hunnie ko
/ok lang sayo hun?/

Msg To
/ yeah ok lang sa canteen na lang tayo eat/

1msg recieved
Hunnie ko
/sige hunnie see you later then, i love you/

Napangiti naman ako sa text niya magrereply pa lang sana ako pero dumating na si prof.

"Ok class last time we talked about...blah blah..."

LUNCHTIME
Sa Canteen...

"Hi hun" sabay halik sa pisnge ko

"Hi kanina ka pa?"

"Hindi naman hunnie, ano gutom ka na?"

"Hmm medyo, eh teka pala si ate Abby asan?"

"Wala pa eh baka susunod yun"

"Ganun ba?"

"Hello guys!!!!" Bati ni Carol kasama si Michie

"Hi girl" tugon ko at tinanguan naman sila ni Ara

"Wafs samahan mo ako order tayo" aya ni Ara kay Carol

"Sure wafs" at tumayo na sila

"Hunnie ano gusto mo?"

I Heart KaRaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon