MIKA POV
Masakit magmahal sa maling panahon, sa maling lugar lalong lalo na sa maling tao. Pero wala nang mas sasakit pa sa taong naiwan ng Mahal niya.
Almost 3 months na nang umalis si Ara pero hindi ko pa rin maalis sa puso't isipan ko ang sakit na dulot nito. Mahal na mahal ko siya. Araw araw kong tinitingnan ang buong kwarto kung saan kami palaging magkasama, nagkukulitan, sabay kumakain, sabay natutulog, sabay gigising, wala nga atang bagay na hindi namin ginagawa ng hindi magkasama. Ngayon ko mas lalong narealize na mahal ko nga talaga siya at kung gaano siya kahalaga. Well as always, nasa huli ang pagsisi.
Napakadaling sabihin ang Move on! Pero paano?
(Click external link)
"Girl, emote ka nanaman try mo kumain, payat ka na nga mas pumapayat ka pa, enough for the diet pwede?" Singit ni Michie
"Ang tanong nag didiet nga ba? O nageemote nanaman?" Puna naman ni Carol
"Guys stop it! Hindi naman kayo nakakatulong e" bulalas ni ate Abby
"Ate mauna muna ako sa inyo inaantok talaga ako" walang ganang paalam ko sa kanila
"Hep! Teka teka, saan ka naman pupunta aber?" Pigil sa akin ni Michie
"Sa kwarto matutulog, inaantok nga di ba?" Sarkastikong tugon ko
"Kami pa ba naman lolokohin mo? Mageemote ka nanaman e"
"Michie hindi ako mageemote ok matutulog lang ako"
"So hindi ka papasok ng afternoon class?" Tanong ni ate Abby
"Papasok mamaya pa naman sunod na klase ko alas tres pa ng hapon, sige na babye na muna see you later guys" pilit na ngiting paalam ko
Alam ko naman, alam na nilang nagsisinungaling ako. Sa tagal ba naman na magkakasama kami hindi pa namin makikilala ang bawat liko ng baluktot naming mga utak, di ba?
Nang makarating ako sa kwarto ay tulad ng dati tahimik kong inalala ang lahat ng masasayang bagay na pinagsamahan namin ni Ara. Maya maya pa
*tok tok tok
Dahilan upang ako'y mapapitlag.
*tok tok tok
Marahan akong lumapit sa pinto at nakiramdam.
"Sino yan?"
"Ma'am delivery po" boses ng isang binatilyo kaya naman panatag akong buksan ito
"Ma'am andito po ba si Ms. Mika-
"Ako nga, bakit?" Kunot noong tugon ko
"Ma'am parecieve na lang po, bale, dalawa po ito ma'am isang sulat at isang box eto po"
"A-h ganun ba? S-ige sa-lamat" agad ko itong kinuha at pinirmahan ang papel. Agad ring umalis ang binatilyong naghatid nito
Naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ito.
Napagpasyahan kong, unahing buksan ang sulat bago ko bukasan ang kahon./Mika/
Mamaya mo na lang buksan ang kahon 12 midnight ok? See you soon.
/always/
Sinong always? Tssk at ano naman tong kahon na to.
Kunot noong pagsusuri ko.
--------------
Dumaan ang maghapon na wala pa rin akong kalakas lakas at kagana ganang kumilos.Kasalukuyang nakahiga ako sa kama at tinititigan ko ang kahon na pinadala ng kung sino mang "always" na iyon.
"Woi girl, ano sama ka?"
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanfictionPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...