I Heart KaRa 28

70 4 0
                                    

MIKA POV

Hindi ko akalain na muli kong maramdaman ang excitement na tulad ng ganito, pero sa isang banda tulad ng natural na pakiramdam, natatakot ako, natatakot ako na masaktan muli. Natatakot ako na dumating muli sa puntong madapa nanaman ako and by this time i'm afraid makakabawi pa ulit ako.

Pero tulad pa rin sa napag kasunduan at napagusapan, marahil ay mas kailangan namin ito ni Ara mas kailangan naming mag grow ng hindi muna magsama sa isang relasyon. Hindi porke hindi kami ay hindi ko na mahal, alam kong mahal ko siya mahal na mahal may mga bagay lang talaga na hindi minamadali at iyon ang natutunan ko sa mga nangyari sa amin noong mga nakalipas na taon.

Matapos ang harana na yun naging busy siya at ganoon din ako, busy sila ni Vanessa sa bago nilang business. Ako mas naging busy ako sa ospital at resto halos hindi na nga ako makastay ng matagal sa resto dahil sa dami kong inaaral.

"Doc Reyes aah kanina pa po kasi kayo tinatawag ni Doc Michelle?" Nagulat ako ng hinawakan na niya ako sa balikat dahilan upang bumalik ako sa realidad

"I-im so-sorry what was t-that?" Ulit ko sa nurse na ngayon ay nasa aking harap

"Aah doc kasi po kanina pa kayo tinatawag ni Doc Michelle ang sabi niyo po kasi susunod kayo naka 15 minutes na po pero andito pa rin po kayo, medyo po kasi na—

"Hala mam sorry naku, mukha bang Galit na si doc Mich?" Bigla kong pag aalala at kaagad akong umayos ng tayo.

"Hindi naman po pero medyo tumaas na iyong boses"

" aah sige sige eto na pupunta na talagaa—

"No need Dra.Reyes im already here. Check all the details and study the case of this patient"

"D-doc i'm sorry" nakatungong wika ko. hala nakakahiya

"Hindi ko naman hinihingi ang sorry mo, ang sabi ko aralin mo to." At napatingin ako sa chart na hawak niya.
Galit ata si doc sakin tss bakit kasi—

"If you have any problem wag mong dalhin sa lugar kung saan hindi ito involve, know your priority kung pumasok ka sa ospital na to para magisip ng ibang bagay na walang relasyon sa mga pasyenteng hinahawakan mo, tumitig, matulala at hindi magsasalita, well i guess mali ang pinuntahan mo"

Nagulat ako sa mga salitang binitiwan niya, parang hindi siya yung doctor na palaging tumutulong sakin, yung doctor na parang kapatid ang turing sakin.

Anong nangyari doc Mich?

"Ah doc, iwan ko po dito sa table niyo yung chart" hindi ko napanasin na sa nurse niya inabot ang hawak niya. Agad siyang tumalikod at naglakad palayo.

Hay Mika ano ba naman! Ano ba kasing iniisip mo.

Agad kong sinunod ang mga sinabi niya pinag aralan kong mabuti ang bawat detalyeng nababasa ko upang hindi naman ako mapahiya kay doc Mich.

Maya maya pa,

"Are you done?" Nagulat ako ng nakatayo na siya sa may pinto ng lounge at seryosong nakatingin sakin

"Ah done na po doc, may binabasa lang po ako sa libro to make sure sa mga details na pwedeng related sa case na binasa ko po"

I Heart KaRaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon