ARA POVBukas na pala ang anniversary namin ni Daks. Ano kayang pwede kong gawin.
"Wafs nalunod na ako" biglang sabi ni Kim
"Ha??" Pagtataka ko
"Lalim ng iniisip mo eh sa sobrang lalim nalunod na ako" pang aasar niya
"Loko! Haha"
"Bakit ba kasi?"
"Iniisip ko lang anong gagawin ko bukas"
"Bakit anong meron?"
"Hello wafs, 18 na bukas"
"So??? July 18 nga ano naman ngayon?"
"Wafs anniv namin ni Daks"
"Aah anniversary, yun lang pala eh madali lang yan" mayabang na sabi niya
"Talaga may idea ka? Bukod sa binigyan ko na siya ng flower, chocolate, relo, teady bear, nagdate sa labas, nanood ng sine, ano pa wafs? Ano pa ba ang hindi ko nagagawa?"
"Halikan mo hahaha"
"Adik, seryoso kasi"
"Haha to naman seryoso masyado"
"Eeeh gusto ko kasi masusurprise pa rin siya"
"Ba yan effort masyado Galang aah"
"Ganon talaga mahal ko e"
"Oo na!"
"So ano hahayaan mo na lang ba ako mag isip o tutulungan mo ako?"
"Teka lang chill ka" at kinuha niya ang cellphone niya.
"Uy! Asan ka?"
......
"Punta ka dito sa SB"
......
"Tutulungan natin si Vic, surprise daw niya si Ye"
......
"Oooh sige bilisan mo" at binaba na niya ang phone."Sino yun wafs?"
"Si Des, nagpapatulong ako"
"Aaah eh ano pupunta siya?"
"Oo punta daw siya"
"Ughh sana talaga succesful"
"Wag ka masyado kinakabahan parang first time mo wafs aah"
"Syempre ayoko ma disappoint sakin ang mahal ko no!"
"Oo na oo na" para bang iritang irita na siya haha.
"Ikaw pag nag ka girlfriend ka sinasabi ko sayo ako naman tatawa kapag kinabahan ka sa mga ganitong event"
"Huh asa ikaw lang ang baduy satin wafs"
"Sweetness ang tawag dito wafs sweetness, palibhasa wala kang sweet sa katawan eeh"
"Woow ako pa haha"
Maya maya ay dumating na si Des.
"Hi Vic, Hi Kimmy!!" Masayang bati niya
"Waaah buti na lang dumating ka" sambit ko na para bang at last may tutulong na sakin.
"OA lang Vic, para namang ikakamatay mo na yan"
"Seryoso kasi guys, nappressure ako"
"Eh kung hindi ka ba naman engot, bakit the day before mo inisip ang dami mong panahon, oras my ghad Vic!" Sermon ni Des
"Kaya nga Des ewan ko diyan kay Wafs kung kelan kaorasan na doon tayo guguluhin ibang klase"
"Wow balimbing ka talaga eh kanina lang chill na chill ka tapos ngayon"
BINABASA MO ANG
I Heart KaRa
FanfictionPrologue: Kung may gusto man tayong makatuluyan sa future hindi ba't pinapangarap natin ay iyong 'almost perfect'. But, what if hindi mo namalayan na mahulog ka, sa maling tao, sa maling lugar at maling panahon? some says "Me against the World". Ipa...