Chapter 20

403 13 0
                                    

May hinugot na maliit na dagger si Prince Drex sa bulsa ng suot nyang slack. Ganoon din si Third at Jack Simon. Habang ako hindi ko kinuha yong sakin na nasa loob din ng bulsa ng suot kong slack. Wala naman kasi akong paggagamitan noon. Nang makita naming nag sign of the cross ng pabaliktad si Prince, ipinikit namin ang aming mga mata. Nag-sign of the cross din kaming lahat. Maya maya pa ay nagsalita ang nakatatandang kapatid namin.

"In  the name of our Lord. Impure soul of the living dead shall be rise in to eternal damnation."

"Amen." sumasabay ako sa mga pag-aamen ng mga kapatid ko at ng mga blood container. Maging ang paulit ulit ni pagsasalita ni Prince Drex.

"In  the name of our Lord. Impure soul of the living dead shall be rise in to eternal damnation."

"Amen."

"In  the name of our Lord. Impure soul of the living dead shall be rise in to eternal damnation."

"Amen."

Nakakalima na kami ng pag-aamen ng maramdaman ko ang bigat ng aura sa paligid. Hudyat na may kapangyarihan kaming tinatawag mula sa ilalim ng lupa. Ang impyerno. Kahit na nakapikit din ako nakikita ko naman ang istatwa na gumagalaw ng marahan. At unti unti iyong lumutang sa kinatatayuan nito. 

"In  the name of our Lord. Impure soul of the living dead shall be rise in to eternal damnation."

May isa pa akong naramdaman. Ang pagdating ni Ichan. Dumilat ako ng mga mata. And there I saw him walking towards me. 

"Hindi ko nagawa, kuya." sabi nito ng pabulong lang. 

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. Hindi nito nagawa ang pinag-uutos ko? Ibig sabihin nasa loob pa rin ng mansyon namin si Heizel? Pero bakit hindi nagawa ni Ichan? Mahigpit ko syang binilinan na ilayo ang babae bago pa magising si Lord Dracula.

"What?"

Isang malungkot na iling lang ang isinagot sakin ng kapatid ko.  And there parang binagsakan ako ng langit at lupa sa kompermasyon na yon ni Ichan. Lumakad na palayo sakin ang kapatid ko. Tumayo ito sa isa pang puno katabi ni Young Princess Sapphire at ng dalawa pang blood container. 


(Heizel's POV)..

Maglilimang minuto pa lang na nawawala sa tabi ko si Bloody Ace. Miss ko na agad sya ng subra. Habang hawak ko ang rosas na ibinigay nya sa akin, naisipan ko na magpunta sa veranda ng kwarto ko para sana magpahangin. Pero kung kelan naman nasa malapit na ako, saka ako nagulat sa pagsulpot bigla ni Ichan sa harapan ko. 

"Ichan, what are you doing here?"

Ang alam ko pa naman kasi magkakasama ito at ang iba pa nyang mga kapatid na bampira.

"Did I scared you? Dont worry I wont take long here. Just wanted to hand you this."

"Ano yan?" 

Isang kwentas na hugis puso ang iniabot sakin ni Ichan. Kulay pula at ginto iyon. 

"We called it sacred pendant. Ang mommy ni Bloody Ace ang nagmamay-ari nyan. Gusto nyang ibigay sayo. At binilinan nya ako na ilabas na kita dito sa mansyon namin bago pa magising si Lord Dracula."

Nang kunin ko dito ang kwentas, naalala ko ang bestfriend ko. Si Zathan.

"Aalis na kami dito ni Zathan? Where is Bloody Ace anyway?"

I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon