Chapter 2

1K 27 7
                                    

(Mr. Vampire meets Heizel Monares..)

Maaga akong nagising dahil quiz namin ngayon sa Social Science subject. Buti na lang ayos na ang scoter kaya maaga pa nasa school na ako. 

"Nagreview ka ba kagabi?"

Umiling lang ako sa tanong na yon ni Cristy. Paano naman ako makakapagreview kagabi? E, nasa isip ko pa rin ang nangyari kahapon. Yong tungkol sa lalaking nakita ko sa ilalim ng punong mangga. Pati na rin yong pagkakita ko sa kanya sa poste ng ilaw.

"Pareho tayo. Hindi rin ako nakapagreview. Si Zathan kasi eh."

Napalingon ako sa kaklase ko. "Anong tungkol kay Zathan?"

"Tinawagan nya ako kagabi. Tas kwenintuhan lang ng mga nakakatakot."

Parang nakikita ko na ang hitsura ni Cristy kagabi habang kinukwentuhan ito ni Zathan ng mga nakakatakot. Hindi nga ito matatakutin pero para dito walang kainteres-interes ang mga kwento na may kinalaman sa mga bampira. Nagtatyaga lang itong makinig kay Zathan kasi may crush sya sa kaibigan ko.

And there comes Mr. Madrigal. Our professor in Social Science subject.

"Good morning class"

"Good morning, sir."

"Are you all ready for our final quiz?"

Wala ni isa man sa amin ang sumagot. Lahat yata kami kinakabahan para sa quiz namin ngayong araw.

"Let the quiz begin."

May ibinigay na test paper samin si Mr. Madrigal. Pinagpasapasahan naming lahat yon. Hanggang sa nagsimula na ang pagsagot. All eyes in the test paper. Kaya tahimik lang ang lahat.


20 minutes later..

Habang abala ang lahat sa pagsagot, naging malikot naman ang mga mata ko. Simula ng pumasok si Mr. Madrigal sa room namin, nagsimula na rin akong kabahan. Hindi gumaganda ang pakiramdam ko. At lumalakas yata ang tibok ng puso ko. Hindi yon usually ang nararamdaman ko tuwing nagku-quiz kami. Pero ang nararamdaman ko ngayon ay katulad ng naramdaman ko kahapon. Doon sa puno ng mangga. Kaharap ang lalaki na may pangil.

"Shit, hanggang ngayon dala ko pa rin ang takot na yon. Hindi pa rin ako maka get over."

Umihip ang banayad na hangin. Kasabay niyon ay ang pagpasok ng isang lalake sa classroom.

Lalaki na pamilyar na sakin ang mukha.

"Sya?" parang gusto kong mawalan ng ulirat. Yong lalake kahapon, sya din ngayon ang pumasok. Pero bakit parang walang nakakapansin sa kanya? Bakit parang walang bumabati o kaya ay tumitingin dito? 

"Walang nakakakita sa kanya?" Napatingin ako sa paligid ko. Ako lang ang nakakakita at nakakapansin sa kanya.

Tumingin sakin ang lalake. Then he smirk at me. Ayan na naman. Tumigil na naman sandali ang paghinga ko. Lumakas ulit ang pagtibok ng puso ko. Nakita ko na naman ang mga matutulis nyang pangil.

Naglakad lakad sa loob ng classroom ang lalake. Inikot nito ang boung silid habang hindi ko ito nilalayuan ng tingin. Lumapit din ito kay Professor Madrigal. Nakiusyuso pa sa librong binabasa ni prof.  May kung ano siguro sa binabasa ni Professor Madrigal. Ngumiti kasi ang lalake. 

"Yes Heizel? May problema ba?"

All eyes on me. 

"M-may bampira."

I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon