Chapter 5

872 31 3
                                    

Classroom..

"Heizel wake up. Heizel."

Huh?

"Heizel I said wake up."

That was Cristy's voice.

"What happened?"

Nagising ako sa loob ng classroom namin. 

"Nakatulog ka na naman. Ayusin mo nga sarili mo."

"Anong oras na ba?"

"Alas kwatro na ng hapon. Dalawang oras ka ng natutulog."

"What?" 

Kung dalawang oras na akong natutulog sa loob ng classroom namin. Ibig sabihin na-escape ko ang Math subject. 

"Hindi ka namin ginising ng dumating si sir. Sarap na sarap ka kasi sa pagtulog mo. Naglalaway ka pa nga oh."

 Ewwww!!!

Oo nga. Naaamoy ko nga ang mabahong likido sa pisngi ko.

Yuck!! 

Agad-agad ko yon pinahid ng panyo ko. At nagpulbos na rin para mawala ang mabahong amoy.

"Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi? Mukhang puyat na puyat ka ngayon."

"Wala naman. Maaga nga akong natulog kagabi eh."

Dumating ang professor namin para sa huling subject. Isang oras na lang uwian na rin sa wakas.

"May assignment ba tayo sa Math?"

"Oo meron. Eto ang note ko. Kopyahin mo na lang."

Inabot ko ang notebook ni Cristy. Saka kinopya ang mga nakasulat habang naglelecture ang prof namin. 

Coppy.. Copy.. Copy..

After three minutes. Ibinalik ko kay Cristy ang note. 

Saka naman ako nagulat ng makitang may nakaupo sa ibabaw ng desk nito. Ang bampira.

Muntik na akong mapasigaw sa pagkagulat. Buti na lang napigilan ko iyon. Nag-smirk lang sakin ang bampira. At itinuro ang prof namin na naglelecture. Parang sinasabi nito na makinig ako kay prof. At si Cristy naman walang napapansin na may nakaupo sa ibabaw ng desk nito. Maging ang iba pa naming classmate hindi nakikita o napapansin ang bampira.

Sa boung durasyon ng klase, nasa loob lang ang bampira. Nakikinig kay prof. Hanggang sa mag-uwian nakabuntot naman ito sakin. 

Kasabay ko sa paglabas ng campus si Cristy.

"Tapos wala na. Si Zathan na lang ang nagpatuloy sa palabas. BLABLABLABLABLA!!!"

Hindi ako nakikinig sa mga kwento ng classmate ko. Abala kasi ako sa pagmasid sa bampira. Nauuna itong naglalakad samin. Pero kung anu-anong pinaggagawa pagmay nakakasalubong na mga estudyante o mga professor. Andoon ang sasaludo ito na parang sundalo as if nakikita ng mga tao. May beses pa na nakikiusyuso ito sa mga nakaupong estudyante at nakikibasa ng libro. Pati guard ng school namin hindi din pinatawad. Pinitik ang sumbrero kaya nahulog sa ulo.  

"Dyos mio, anong klaseng bampira ito? Lakas makatrip. Shabu pa Mr. Vampire."

"Anong sabi mo?"

I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon