Nagising ako na masakit ang leeg ko. Saka ko lang naalala na dahil yon sa kagat ni Third. Huh? Buhay ako? Paanong nangyari yon gayong ang huli kong natatandaan ay kinagat nga ako sa leeg ni Third. Tapos nawalan na ako ng malay.
"Wharr."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng nakakatakot na boses na yon. Parang gusto ko ulit mawalan ng malay dahil sa nakikita ko. Totoo ba ito? May isang asong lobo na nagwawala ang ngayon ay nasa di kalayuan at kaharap ko. Nanlilisik ang mga mata nito at naglalaway ang mga pangil. Ang tutulis din ng mga kuko nito.
Napasinghap pa ako ng makita kong tumakbo ang asong lobo sa kinatatayuan ni Lord Dracula. Animo ito papatay ng bampira sa subrang galit nito. Pero nagsisulputan mula sa kung saan saan ang mga anak ni Lord Dracula at sinubukang pigilan ang asong lobo.
Saka ko lang naalala si Young Princess Sapphire. Sabi sakin noon ni Bloody Ace, kalahating bampira at kalahating lobo daw ang nakakababata nilang kapatid. Nakakatakot din daw itong magalit. Kung ganoon ito na ang totoong hitsura ng batang bampira. Nakakatakot nga.
Bumagsak sa lupa ang mga bampira ng isa isa itong iitsa ng asong lobo. Saka muli nitong banalingan si Lord Dracula. Bago ko namalayan ang lahat ng nangyayari nakita ko na lang si Blood na nakatayo na sa harapan ng ama nito at sinalo ang kalmot ni Young Princess Sapphire na para sana dito.
"Blood." nagawa ko iyong isigaw. Lalo na ng makita ko ang dugo nito na tumalsik sa katawan nito. Hanggang sa tuluyan itong nawalan ng malay.
Tinangka kong tumakbo sa kasintahan ko pero pinigilan ako ng isang tao sa bewang.
"Z-zathan."
"Wharr."
Nakita kong tumakbo palapit sa amin ang lobo. Natulos ako sa kinatatayuan ko hanggang sa makalapit ng tuluyan sa amin ni Zathan si Young Princess Sapphire. Eksaktong nakatayo ito sa kinatatayuan ko ay bigla itong nagbago ng anyo. Bumalik na ulit ang dating nitong katawan. Ang batang katawan ni Young Princess. Bumagsak ito sa harapan namin ni Zathan. At nawalan ng malay. Nagkatinginan kami ng bestfriend ko.
"A-nong nangyayari?"
Sa wakas ay may nakapagsalita din sa amin matapos kami pareparehong natulala sa mga nasaksihan namin. Naunang nakabawi sa pagkabigla si Zathan bago ako. Lumapit ito sa walang malay na batang bampira. Kasunod niyon ay ang pagsulputan sa tabi namin nina Prince Drex, Ichan at Jack Simon. Dinaluhan nila ang kapatid nila. Saka ko naman naalala si Bloody Ace.
Tumakbo ako sa kinaroroonan ng kasintahan ko. Naabutan ko pa doon ang ama nito na si Lord Dracula at Third na nakatunghay sa kanya.
Dali dali akong lumapit. Napaiyak ako sa nakikita ko ngayon. Ang pinakamamahal ko na si Bloody Ace walang buhay na nakahiga sa lupa. May tatlong malalaking sugat sa tyan nito at naliligo sa dugo. Yakap yakap ng ama nitong si Lord Dracula. Nagsikip ang dibdib ko sa isiping patay na ang bampirang pinakamamahal ko. Ang pagpatak ng luha sa mga mata ko ay nauwi sa hikbi.
(Bloody Ace)..
"Blood anak, gumising ka. Hindi ka pwedeng mamatay ng ganyan."
"Blood wake up, please."
"Bumangon ka nga dyan. Sisipain kita pag hindi ka pa bumangon dyan."
"This is all my fault. Kung hindi ko na lang sana minahal si Bloody Ace. Sana buhay pa sya ngayon."
"Yeah. Thats it. Blame yourself, bitch. Because this is really your fault."
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)
VampireIm Heizel Monares. An twenty three years old in college. At my age, theres something in this world that I dont like. Its all a creepy creatures. I hate ghost, it scared me to death. I even hated vampires that sucks blood, it makes me faint. Too ba...