Kinagabihan din na yon, lahat kami nasa harap ng hapag-kainan. Kompleto at parang wala lang nangyari kaninang hapon na may kinalaman kay Zathan. Tahimik ang lahat habang kumakain.
'Dyos ko. Paano ba kasi nila nakuha ang bestfriend ko? Nagpaalam ba sila kay Tita Azon? Kung hindi, pwede silang makasuhan ng kidnapping. Ay, may batas bang ganoon sa mga bampira?
And look at Zathan, parang engot lang si best. Wala na naman sa sarili. Susubo, ngunguya lulunok. Paulit ulit lang ang ginagawa nya :'( Wawa naman.
Then after our dinner dinala si Zathan ng mga bampira sa sala ng mansyon. Pinagkatuwaan lang ng magkakapatid. Lalo ni Young Princess Sapphire. Binihisan ng damit pambabae, pinaikot-ikot habang kinakantahan.
'Sarap sanang sipain ang batang bampira. Kung hindi lang bampira. Naku! Buti na lang di nila nababasa ang nasa isip ko ng mga oras na yon.
"Matulog ka na. Masyado ng gabi."
Oh! That was Bloody Ace. Buhay pa pala ito? Joke, kanina ko pa sya kasa-kasama.
Hinila nya ako paakyat ng kwarto. As usual, wala na naman akong nagawa ng maiwan si Zathan sa baba :'(
"God, kayo na pong bahala sa taong yan. Kahit naman kasi naniniwala yan sa mga ampira, anak nyo pa rin sya diba? Wag nyo po syang pababayaan please." Im only saying those words to myself. With kasama pang teary eyes lang naman.
Nagising ako na maalinsangan ang paligid. Wow! First time na nangyari ito. Palagi na lang kasi na malamig ang kapaligiran dito sa lumang mansyon ng mga bampira sa gabi man o umaga. Pero ngayon, parang may kakaiba yata. Pati pakiramdam ko kakaiba.
First time talaga! First time na first time! (paulit-ulit?)
Paburger naman dyan mga bampira. First time eh.
Anyway, bumangon ako sa pagkakahiga. Deretso sa labas ng kwarto. Hep! Nakapantulog pa ako nyan. Okey lang. Hindi naman siguro ako sasakalin ulit ni Prince Drex kung makita nya akong bagong gising na nga. Nakapantulog pa.
Hinanap ko sa paligid ang mga tao este ang mga bampira. Pero wala sila sa kahit saan mang sulok ng mansyon. Wala din pati si Zathan at ang iba pang mga blood container.
"Sino ang hinahanap mo?"
"Ay, shit!" Naman Nenith. Manggulat talaga? Saan ba ito galing? Pabigla-bigla na lang susulpot sa likod ko.
"Asan si Bloody Ace?"
"Nasa puntod ni Lord Dracula. Eto, suotin mo mamayang gabi."
Sabay abot sakin ng puting kahon. Malaking puting kahon. Sinilip ko ang laman.
Gown?!
"Para saan ito?"
Hoy, Nenith. Wala kang manners. Tinatanong eh, tatalikuan lang ako. May attitude kang babae ka. Hindi na ako nagtataka na ikaw ang blood container ni Prince Drex. Pareho kayo ng ugali.
Bumalik ako sa kwarto para isukat ang gown. Ligo ligo muna bago isuot ang damit. Hmmm
Pak!!
Sakto!
Parang isinukat talaga para sa katawan ko. Pero saan ba talaga ito?
"Hmm, it suits you. You look good at it."
Bloody Ace bow! Cames from nowhere kasama pa si Third. Saan ba ang mga ito galing?
"Para saan ba ang gown?"
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)
VampiroIm Heizel Monares. An twenty three years old in college. At my age, theres something in this world that I dont like. Its all a creepy creatures. I hate ghost, it scared me to death. I even hated vampires that sucks blood, it makes me faint. Too ba...