Chapter 15

628 17 0
                                    

(Sacred Pendant..)

Hay! Nasa lumang mansyon na naman ng mga bampira. Matapos kong ihatid sa kwarto si Heizel, sinilip ko lang sa sala si Young Princess Sapphire. Nakagawian ko ng gawin yon tuwing nasa lumang mansyon ako. Gusto ko lang masigurado na okey ang kapatid ko. At naabutan ko naman itong nakikipagharutan sa apat na blood container kasama si Ichan.

Naalala ko, si Third ngayon ang bantay sa libingan ni Lord Dracula. Kasama si Prince Drex. Si Jack simon naman, hindi ko alam kung nasan sya. Malamang nasa paligid lang iyon ng lumang mansyon.

Tahimik akong lumabas ng sala. Deretso sa likod.

Whoossh!!

Ang likod ng lumang mansyon ay may isang malalim na hukay. Daanan yon papuntang libingan. At dahil bampira ako, hindi ko na kailangan pa na dumaan doon para makapasok sa loob. Isang talon lang sa hangin nasa loob na ako.

Isa iyong madilim na himlayan ng mga patay. Doon nakahimlay ang mga imortal na pinapatay ng mga bampira. Kabilang na doon ang mga katawan ng mga dating blood container ng mga kapatid ko. Naroon din nakahimlay si Aiza at mommy.

Naiiba lang ang himlayan ni mommy. Napapaloob kasi iyon sa isang kwarto. Na talagang sinadya para sa kanya ni Lord Dracula. Pumasok ako sa loob ng himlayan. Naabutan ko don ang ibat-ibang uri ng mga insekto at pest. Gagamba, ipis, surot, daga at kung anu-ano pa. 

Ang hulingdalaw ko dito, mahigit pitong taon na ang nakakaraan. Yon din ang huling araw na nalinis ko ang himlayan ni mommy.

"Hi, mom. Kumusta?" mas lumapit pa ako sa himlayan. 

"Pasensya na. Nagyon ko lang ulit kayo nadalaw. Alam nyo naman tamad akong maglinis ng kabaong nyo. Saka ayoko sa dilim." sira-ulo lang. Kinakausap ang patay.

Inalis ko sa ibabaw ng kabaong ang mga ipis at butiki na naglalaro yata. Saka iyon dahan dahang binuksan.

Tumambad sakin ang nabubulok ng buto at bungo ng katawan ni mommy. Pati na rin ang napupunit ng gown nito na nakabalot sa katawan nya. Kung ordinaryong tao lang ako, siguro masusuka ako sa nakakasulasok na amoy ng nabubulok na bangkay. Pero dahil nga may lahin akong bampira. kaya kong sikmurain yon. At parang wala lang sakin ang amoy ni mommy.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip ang dahilan ni Lord Dracula kung bakit hinayaan nyang mamatay na lang si mommy. Embes na gawin itong bampira tulad namin. Total may kapangyarihan naman syang gawin yon.

Naalala ko pa ang ilang eksena namin ni mommy noong nabubuhay pa ito. Ang masasayang alaala naming dalawa habang musmos palang ako at sariwa pa ang kabataan nya.. Ang habulan namin sa hardin ng lumang at ang pagtuturo nya sakin kung paano lumangoy sa ilog. Lalo na ang pagtuturo nya sakin kung paano pigilan ang sarili ko na huwag uminom ng dugo ng tao. Sya alahat ang nagturo non sakin. Sya ang naging ama't ina ko.

"I missed you so much mom."

Lalaki ako. Bmpira pa. Pero hindi ko ikakaila na pagdating sa mga mahal ko sa buhay. Nagiging emosyunal ako.

Hinaplos ko ang mukha ni mommy. Saka dumako ang kamay ko sa leeg nya.

"Now is the right time, mom."

Naglanding sa suot ni mommy na kwentas ang mga mata ko. 

Naalala ko pa, sinabi nya sakin nong bata palang ako na ang kwentas daw ay ay bininyagan ni Lord Dracula ng sarili nitong dugo at dugo ng ilang mga blood container. Pangontra daw iyon sa amoy dugo ng mortal. Na kung sino daw ang magsusuot nito, hindi mararamdaman ng bampira na tao ang nagsusuot ng kwentas. Thats why it is called the sacred pendant.

I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon