Chapter 7

877 26 2
                                    

(After three months..)

Tss..

Ayoko talagang umuuwi sa lumang mansyon ng mga bampira. Ayokong namamalagi ako dito kahit isang oras lang. Pakiramdam ko parang may sumasakal sakin.

Ayoko ng kulay pula at itim. Bakit? Dahil malungkot ang mga kulay na iyon.

Ayoko ng mga lumang kagamitan. Bakit? Dahil pakiramdam ko lalo akong tumatanda.

Lalong ayaw ko ng amoy dugo. Bakit? Dahil pinapaalala lang ng amoy ang pagiging bampira ko.

"At last the prodigal son is here."

"Welcome back big brother. We miss you."

"Hindi ka man lang sumulat muna na darating ka na. Para naman sinalubong ka namin ng banda dyan sa labas."

"To whom do we owe this visiting of yours to us?"

Tss. Hindi ko na lang pinansin ang mga pasaring sakin ng apat na bampirang naabutan ko sa sala ng lumang mansyon.

Tulad pa rin ng dati, kanya kanya na namang gawain ang mga ito, malibang lang.

Sila ang apat na kapatid ko.  

First on the list..

Prince Drex. Ang kuya ng lahat. Ang bampirang may malaking inggit sakin. Because Im the Lord Dracula's favorite son. He was lying on a couch.

Second was Third. Ang pangatlo saming magkakapatid. Ang isa sa mga paborito ko. Sumunod sakin. 

Third was Ichan. Pang-apat. At napiling susunod sa papalit kay Lord Dracula. Oras na magretiro ito.

Fourth on the list.. Jack Simon ang panglima sa bunsong magkakapatid na lalaki. Ang palagi ng nagtatanggol sakin. 

And if your wondering kung sino si Lord Dracula. Well, he is none other than our father. The lord of all Vampires.

"Kuya."

Now this is my favorite reason kung bakit kahit papano may magandang dahilan pa ako para umuwi ng lumang mansyon ng mga bampira.

"Young Princess Sapphire." yeah she is our only sister. Ang sumunod kay Jack Simon.

"Your here na kuya. Long time no see. Kumusta ka na?"

Three months na pala akong hindi umuuwi. 

"Okey lang. Marami akong ikukuwento sayo."

"Talaga? Gusto ko yan kuya."

"Kanino galing yan?"  ang tinutukoy ko ay ang malaking teddy bear na yakap ni Young Princess Sapphire.

"This one? Regalo sakin ng mortal."

Mortal?

Tao?

Ibig sabihin nakikipagkita na ito sa tao? Kelan pa? At sino ang taong yon?

"May nagugustuhan ng blood container si Young Princess Sapphire. Hindi mo pa alam ang  tungkol don." It was Third.

"Ikaw Bloody Ace. Si Heizel na ba ang bago mong blood container? She looks yummy anyway."  Prince Drex.

Looks yummy? That remind me of my past. That words, he also used that when he found out that I have a blood container before.

I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon