Chapter 12

718 19 0
                                    

(I love you, Mr. Vampire..)

Naabutan ko si Heizel na natutulog parin sa bago nitong kwarto sa loob ng lumang mansyon ng mga bampira. May pasa sa noo at tuhod. Tumama siguro ito sa matigas na bagay. May maliit na hiwa din ang pupulsuhan nito. Madaanan siguro yon ng kuko ni Prince Drex. Mabuti na lang ginamot na ito ni Rochelle.

Kanina umuwi ako sa galing  libingan ni Lord Dracula, ang una kong hinanap ay sya. Para sana makakwentuhan at makakulitan. Subra ko itong namiss. Tapos ito yong maaabutan ko. Sinaktan lang sya ni Prince Drex. Si Nenith ang blood container nya ang nagsumbong sakin. At yon ang hindi ko nagustuhan. Tama na minsan nasaktan nya at napatay si Aiza. Wala lang akong nagawa nong mga panahong iyon. Pero hindi ako papayag na maulit na naman yon. At kay Heizel pa.

"Hmm."

Napaungol ang mortal ng hawiin ko ang buhok nito sa noo. Saka nagmulat ng mga mata.

"Hey, youre awake."

Sa pagkagulat ko, bigla na lang nya akong niyakap. At nag-iiyak ito.

"Akala ko katapusan ko na kanina."

"Shh! Hindi yon mangyayari. Diba sabi ko naman sayo, poprotektahan kita laban sa kanila."

"Pero sinaktan ako ng kuya mo."

"I know. And Im sorry for that. Sorry kung wala ako sa tabi mo ng mangyari yon. But it will never happen again. Promise."

"Promise me please."

"Promise."

"Promise?"

"Promise." 

Nagsisimula ng gumaan ang pakiramdam ko. Ngayong kausap ko na siHeizel. I always fond of her. She not intendly makes me laugh. Thats why I love her.

"Galit ka ba?"

"Bakit?"

"Kasi nakalabas ang mga pangil mo. Tapos nagliliwanag pa ang mga mata mo. Galit ka nyan diba?"

Oo nga pala. Hindi yon napigilan kanina ng sugurin ko si Prince Drex.. Pero okey na ang pakiramdam ko ngayong nagising na sya. Unti-unti ko ng tinago ang mga pangil ko. Saka binalik sa normal ang mga mata ko.

"Oh ayan. Hindi na ako galit." then I smile at her.

For the second time, niyakap na naman nya ako.

"Alam mo nasasanay na akong palagi kang galit. Pero mas gusto ko ang normal mo lang anyo. Para ka kasing tao. Iba nga lang ang kulay ng mga mata mo."

"Bakit? Tao din naman ako ah."

"Half human and half vampire naman."

"Yon lang"

Tumawa ito sakin. Ang tawa na gusto ko dito. Nagpapagaan sa pakiramdam ko.

"I love you."

Oppss!! Wrong move. Nabigla ko yata ito.

"I love you, Mr. Vampire."

"What?" Tama ba ang narinig ko?

"Did you say I--"

I Love You, Mr. Vampire (Diabolic Lovers Version) (complete..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon